^

PSN Palaro

3rd place dinagit ng Lady Eagles: Lady Stags nakatabla

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Naipakita ng San Sebastian College ang determinasyong maging kampeon sa Shakey’s V-League Season 7 nang iuwi ang 21-25, 25-16, 15-25, 25-20, 15-13 panalo sa UST sa Game Two kagabi sa The Arena sa San Juan.

Nagpasabog ng 27 hits kasama ang 23 spikes si Thai import Jeng Bualee pero malaki rin ang ginawa ni Dafna Robinos sa depensa para maitabla ng Lady Stags ang bes-of-three title series sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s Pizza at handog ng PLDT MyDSL sa 1-1 karta.

Si Robinos ay may walong blocks tungo sa kanyang siyam na puntos para bigyan ng 15-12 bentahe ang Baste sa UST sa departamentong ito.

“Alam nila ang kahalagahan ng larong ito para sa amin at ipinakita lamang nila ang puso at determinasyong manalo,” wika ni Lady Stags coach Roger Gorayeb.

Si Bualee ay mayroon ding tatlong service ace upang katampukan ang dominasyon sa kalaban at apat na hits nga ang ginawa niya sa mahalagang ikalimang set upang makahirit pa ng huling pagtutuos ang San Sebastian sa UST sa torneong suportado rin ng Accel, Mikasa at Mighty Bond.

May 20 hits kasama ang 18 kills si Analyn Joy Benito habang ang hinirang na MVP ng liga na si Suzanne Roces ay nagtapos taglay ang 14 puntos, kasama ang tatlong blocks at dalawang service ace.

Tuluyan namang sinikwat ng Ateneo Lady Eagles ang third place trophy matapos kunin ang 25-23, 25-23, 25-17 panalo laban sa Lyceum Lady Pirates na tinampukan ng 16 hits ni Thai reinforcement Sontaya Keawbundit at walisin ang kanilang sariling serye.

vuukle comment

ANALYN JOY

ATENEO LADY EAGLES

DAFNA ROBINOS

GAME TWO

JENG BUALEE

LADY STAGS

LYCEUM LADY PIRATES

MIGHTY BOND

ROGER GORAYEB

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with