^

PSN Palaro

Alcantara umusad sa finals vs Belgian

-

MANILA, Philippines - Biyahe patungong tagumpay, nalalapit na ang pag-arok ni top seed Francis Casey Alcantara sa panalo nang umusad ito papunta sa ikalawang sunod na championship ng Phinma International Juniors Tennis tournament ng iligpit sa nakakakabang opening set ang No. 8 Japanese Kaichi Uchida para sa 7-5, 6-0 pamamayani sa Rizal Memorial Tennis Center kahapon.

Sa kabilang banda, kinaila-ngan ng tatlo pang sets ni Jeroen Vanneste ng Belgium upang payukurin si Daniel Skripnik ng Israel, 6-4, 5-7, 6-4, at itakda ang title showdown kontra Alcantara, na umiskor ng katulad na 7-5, 6-0 panalo laban kay Yoshihito Nishioka ng Japan, upang angkinin ang korona sa Week 1 kamakailan.

Pero si Vanneste, na kinapos sa kanyang kampanyang ma-upset si Alcantara na magigitng na nakipaglaban sa kanyang kalabam bago nailista ang panalo

Naging magaan naman ang laban ng Pinoy at tapusin ang laro sa loob ng 22-minuto ng torneong hatid ng Phinma Group of Companies.

Magkukrus ang landas nina Alcantara at Vanneste para sa titulo ngayong alas-9 ng umaga.

Masasaksihan rin ang laban sa pagitan nina Leander Lazaro at Kim Saraza kontra Australian pair vs Belgian nina Nathan Lemke at Jack Schipanski, 6-4, 6-4, para sa boys’ doubles semis upang mapanatili ang pag-asa sa sweep ng ITF Grade 4 event na suportado ng Tecnifibre Balls, Powerade, Viva Mineral Water, Century Park Hotel at ng Philippine Sports Commission.

Maglalaban naman sa girls title sina 4th seed Tian Ran ng China at kababayang top seed na si Zhu Lin. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

CENTURY PARK HOTEL

DANIEL SKRIPNIK

FRANCIS CASEY ALCANTARA

JACK SCHIPANSKI

JAPANESE KAICHI UCHIDA

JEROEN VANNESTE

KIM SARAZA

LEANDER LAZARO

NATHAN LEMKE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with