^

PSN Palaro

San Beda tankers hinatak ni Gavino

-

MANILA, Philippines - Muli na namang napatunayan ng San Beda ang tibay ni Teohdy Gavino nang languyin niya ang tagumpay para sa San Beda at manguna sa 85th NCAA swimming competition sa Trace Aquatics Center, Los Baños, Laguna.

Kumampanya sa pama-magitan ng kanyang impresibong 215 point performance, nahablot niya ang MVP trophy nang maungusan ang kanyang team captain na si Mach Frigillana na naging four time winner sa pinakamataas na award-at MagGyver Reyes na naglilok ng 184 at 178 points, ayon sa pagkakasunod.

Rumatsada naman ang St. Benilde-LA Salle Greehills sa 1,275 points para sungkitin ang ikalimang sunod na high school championship.

Para daigin ang San Beda (196.25), minarka ng Perpetual Help sa ikalawang taon ang pangalawang pwesto na may 465 points.

Tumapos naman ang San Sebastian sa ikaapat na pwesto na may 205.82 points sa ilalim ng AUF (185.25) na sinundan ng Angeles Foundation (78), Emilio Aguinaldo (62.75) at Arellano U (49.5)

Para sa naturang kompetisyon, nagsilbing commissioner sa three day event na ito ang Management Committee member ng Jose Rizal na si Paul Supan at RP team mentor Richard Luna. (SNFrancisco)

vuukle comment

ANGELES FOUNDATION

ARELLANO U

EMILIO AGUINALDO

JOSE RIZAL

LOS BA

MACH FRIGILLANA

MANAGEMENT COMMITTEE

PAUL SUPAN

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with