^

PSN Palaro

Miller, Best Player of the Conference

- Mae Balbuena -

Ikalawang Best Players of the Conference award at pagkakataon sa ikatlong Most Valuable Player title ang tinanggap ni Willie Miller ng Alaska sa simpleng awards ceremony na ginanap kahapon bago simulan ang Game-4 ng titular series ng Aces at Talk N Text sa Araneta Coliseum kagabi.

Naging run-away winner ang 5-foot-10 na si Miller para sa pinakamahusay na player ng unang kumperensiya ng 2008-09 season ng PBA kung saan tinalo niya ang pinakamahigpit na karibal na si Mark Cardona ng Talk N Text.

Lumikom ang 32-gulang na si Miller, tubong Olongapo City na produkto ng Letran College, ng kabuuang 1,443 total points sa ginanap na botohan ng mga media, players at mga opisyal ng TV coveror na Solar Sports at ng Philippine Basketball Association.

Si Miller, unang nanalo ng BPC award noong 2004-05 Fiesta Cup, ang No. 1 choice ng media kung saan kumuha siya ng 41-votes sa 43 botante kabilang ang ‘block vote’ ng PBA Press Corps para sa 5:33 points, 21-votes ng players para sa 161 points, 300 pts mula sa boto ng Solar at 150 pts. Mula sa boto ng PBA dagdag ang kanyang 299 statistical points.

Malayong-malayo ang kanyang mahigpit na kalabang si Cardona, ang leading scorer ng liga sa kanyang scoring average na 22.7 points, na lumikom lamang ng 870 total points. Si Asi Taulava ng CocaCola na nanguna sa statistical points standing ay may 470 points lamang kasunod sina Kelly Williams ng Sta. Lucia na may 439 total points at Jayjay Helterbrand ng Ginebra na may 359 points.

Naglalaban pa ang Alaska at Talk N Text sa para sa Game-4 ng kanilang best-of-seven titular series kung saan nakalalamang ang Tropang Texters sa 2-1 panalo-talo.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

FIESTA CUP

JAYJAY HELTERBRAND

KELLY WILLIAMS

LETRAN COLLEGE

MARK CARDONA

OLONGAPO CITY

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

POINTS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with