^

PSN Palaro

Rain or Shine vs Red Bull

-

Sapul nang pumasok ang Rain or Shine sa Philippine Basketball Association (PBA) noong 2006, hindi pa sila nanalo laban sa Red Bull sa kanilang walong pagkikita.

Matapos ang magandang simula ng Elasto Painters at sa kasalukuyang estado ng Bulls ngayon, may pag-asa ang Rain Or Shine na talunin na sa wakas ang Bulls.

Haharapin ng Rain or Shine ang Red Bull sa opening game sa alas-5:00 ng hapon sa pagpapatuloy ng KFC PBA Phiippine Cup sa Cuneta Astrodome.

Mataas ang morale ng Elasto Painters na sasagupa sa Bulls bunga ng impresibong 120-102 panalo laban sa Air21 noong Linggo kung saan nagbida ang Fil-Puerto Rican na si Sol Mercado na nanguna sa team sa kanyang tinapos na 29-puntos.

Hindi pa gumana ang mainit na kamay ng top draft pick na si Gabe Norwood at umaasa si coach Caloy Garcia na magdedeliber na ito ngayon matapos malimitahan sa anim na puntos lamang.

“The nice thing with Gabe is that he tries to get everybody involve in the play,” wika ni Garcia kay Norwood.

Nag-iba na ang mukha ngayon ng Red Bull na wala na ang dating porma.

May apat na bagong players ang Bulls na nagpakawala kina Mick Pennisi, Paolo Bugia, Topex Robinson at Kik Adriano sa offseason kaya wala na silang naiwan na original player.

Naramdaman ni coach Yeng Guiao ang epekto nito sa kanilang nalasap na 73-77 kabiguan laban sa Purefoods nitong Miyerkules kung saan nasayang ang kanilang 16-puntos na kalamangan.

Tulad ng Rain or Shine, hangad din ng Purefoods ang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagharap sa sister team na San Miguel sa alas-7:30 ng gabi.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Talk N Text at Air21 sa pagbisita ng liga sa bagong gawang Ynares Sports Center sa Pasig kung saan hangad ng Tropang Texters ang ikalawang sunod na panalo. (Mae Balbuena)

vuukle comment

CALOY GARCIA

CUNETA ASTRODOME

ELASTO PAINTERS

FIL-PUERTO RICAN

GABE NORWOOD

KIK ADRIANO

MAE BALBUENA

MICK PENNISI

PAOLO BUGIA

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with