^

PSN Palaro

Harbour Centre ‘di mapigilan

-

Muling sumandal ang semifinalists nang Harbour Centre sa steady shooting nina Jason Castro at Ty Tang sa payoff period upang igupo ang San Mig Coffee, 86-71 para makalapit sa semifinals ng PBL Lipovitan Amino Sports Cup na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan.

Tumapos si Tang ng 14-puntos at 12 kay Castro tungo sa ika-11 sunod na panalo ng mga Batang Pier, ika-13 kabilang ang kanilang tagumpay sa finals ng invitational tournament noong Disyembre at nangangailangan na lamang sila ng isang panalo upang masiguro ang No. 1 position sa semis.

Epektibo rin ang depensa ng Harbour Centre kung saan nalimitahan nila sa pitong puntos ang Coffee Kings  sa unang quarter dahilan ng kanilang pagbagsak sa 5-6 kartada.

Nalusutan naman ng Burger King ang mahigpit na hamon ng Noosa Shoes na pinagbidahan ni Noy Javier upang maitakas ang 67-64 at manatiling buhay ang tsansa sa outright semis.

Sumulong ang Whoppers sa 7-6 record sa likod ng 8-4 ng pumapangalawang Hapee habang bumagsak ang Shoe Kings sa 5-7 kartada. (Mae Balbuena)

vuukle comment

BATANG PIER

BURGER KING

COFFEE KINGS

HARBOUR CENTRE

JASON CASTRO

LIPOVITAN AMINO SPORTS CUP

MAE BALBUENA

NOOSA SHOES

NOY JAVIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with