^

PSN Palaro

Noosa Shoes nagpapakilala; Hapee may tulog

-

Makaraang gitlain ang paboritong Hapee Toothpaste, hangad naman ng Noosa Shoes na makilala bilang isang ‘giant killer’.

Asam ang kanilang ikalawang sunod na pa-nalo, haharapin ng Shoe Stars ang San Mig Coffee Kings ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang upa-kan ng Hapee Complete Protectors at Pharex Medics sa alas-4 at ang bang-gaan ng Bacchus Energy Drink Raiders at RP Youth sa alas-6 ng gabi sa 2008 PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa Rizal Memorial Coliseum. 

“If we continue to play like this, I’m sure we will beat any team,” sambit ni head coach Leo Isaac sa kanyang Noosa, dating Blu Detergents, na umis-kor ng isang 77-76 panalo kontra Hapee galing sa isang buzzer-beating three-point shot ni Noy Javier.

Sa kasalukuyan, ha-wak pa rin ng nagde-depensang Harbour Centre Batang Pier ang unahan mula sa kanilang 4-0 baraha sa itaas ng Complete Protectors (3-1), Medics (3-1), Burger King Whoppers (3-2), Shoe Stars (2-1), Coffee Kings (1-2), Raiders (1-3), Nationals (0-3) at Toyota Otis Sparks (0-4).

Kagaya ng Noosa ni Isaac, nagmula rin sa panalo ang San Mig Coffee ni Koy Banal matapos igupo ang Pharex, 91-82, para sa kanilang unang panalo. 

“We have to have faith to stay positive considering all the trials and challenges we faced and so we decided to go back to the basic,” wika ni Banal.  “Thankfully, it paid off. We hope to start from this win.”

Inaasahang pamumu-nuan nina Javier, John Wilson, Allan Evangelista at Jemal Vizcarra ang Shoe Stars laban kina Bonbon Custodio, Joel Solis, Neil Raneses at Glenn Bolocon ng Coffee Kings. 

Sa pangalawang laro, pag-aagawan naman ng Hapee ni Louie Alas at ng Pharex ni Carlo Tan ang solong ikalawang silya, habang puntirya naman ng Bacchus ni Lawrence Chongson ang kanilang two-game winning run kontra RP Youth ni Franz Pumaren sa ikatlong laban matapos ang 0-3 pani-mula. (RCadayona)

vuukle comment

ALLAN EVANGELISTA

BLU DETERGENTS

BONBON CUSTODIO

BURGER KING WHOPPERS

COFFEE KINGS

SHOE STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with