^

PSN Palaro

Umiinit ang rivalry ng Hapee at Harbour

-

Lalong umiinit ang karibalan sa pagitan ng Harbour Centre at Hapee Toothpaste habang sisimulan naman ng Toyota Balintawak at Mail & More ang kanilang paghahangad sa ikalawang twice-to-beat advantage sa quarterfinals ng 2008 PBL V-Go Extreme Energy Drink Cup sa The Arena sa San Juan.

Bagamat nakasiguro na ang Hapee Toothpaste at Batang Pier ng puwesto sa semis dahil sa kanilang magandang katayuan, inaasahang magiging mainit pa rin ang bakbakan ng dala-wa sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Haharapin naman ng Mail & More ang wala pang panalong Bacchus Energy Drink sa pambu-ngad na laro sa ganap na alas-12 ng tanghali habang makikipagtipan naman ang Toyota Balintawak sa Pharex sa alas-4:00 ng hapon.

Binanderahan ng Complete Protectors ang single round elimination nang mapagwagian nila ang lahat ng kanilang pitong asignatura na ti-nampukan ng tagumpay kontra sa Harbour Centre noong nakaraang linggo at laban sa SEA Games bound Philippine team may dalawang linggo na ang nakakaraan.

Nasungkit naman ng San Mig Coffee ang ikatlo at huling spot sa Pool A matapos daigin ang Mail & More at Toyota Balintawak. Ang tatlo ay nagtapos na magkakatabla sa eliminasyon na may 3-4 baraha.

Nakuha ng San Mig Coffee ang mas mataas na quotient points habang nalaglag naan ang Toyota at Mail & More sa Pool B kasama ang Pharex at Bacchus.

Dadalhin lahat ng teams ang kanilang records pagtuntong nila sa classification round. (Mae Balbuena)

vuukle comment

BATANG PIER

COMPLETE PROTECTORS

DRINK CUP

HAPEE TOOTHPASTE

HARBOUR CENTRE

SAN MIG COFFEE

TOYOTA BALINTAWAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with