^

PSN Palaro

PCA-Dapitan tumitindi ang labanan sa korona

-
Isang malaking hamon ngayon para sa Dapitan Swimming Club ng Sampa-loc ang Philippine Columbian Association ng Paco para sa overall title ng ikalimang edis-yon ng Manila Youth Games.

Namayagpag ang mag-kapatid na Jas at Jia De Guz-man sa Emilio Aguinaldo swimming pool na lumangoy ng limang gold medals upang maging mahigpit na contender ang PCA na nga-yon ay nasa ikalawang pu-westo na sa likod ng nangu-nguna pa ring Dapitan White Whales na nakakuha ng da-lawang ginto mula kay Aquil-les Corpuz matapos ang 19 sa 40 events na pinagla-banan kahapon.

Nilangoy ni Jia ang ginto sa 50-meter freestyle, 25-m fly at 25m breast sa 10-and-under girls division habang nanguna naman ang  naka-katanda nitong kapatid na si Jas sa 50m fly at 50m free-style sa 11-12 under girls divi-sion ng naturang palaro.

Ang White Whales ay nananatiling overall leader sa taglay na 22 golds,  walo nito ay galing kay Ingrid Ilustre bukod pa sa 21 silvers at 19 bronzes ngunit hindi nakala-layo ang PCA tankers na mayroon nang 20-golds bu-kod sa 13-silvers at 20 bron-zes bagamat may 21 pang events na kasalukuyang pi-naglalabanan habang sinu-sulat ang balitang ito. (Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

ANG WHITE WHALES

AQUIL

CARMELA V

DAPITAN SWIMMING CLUB

DAPITAN WHITE WHALES

EMILIO AGUINALDO

INGRID ILUSTRE

JIA DE GUZ

MANILA YOUTH GAMES

PHILIPPINE COLUMBIAN ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with