^

PSN Palaro

Pacquiao sa Arizona magsasanay

-
Dadalhin ng trainer na si Freddie Roach ang kanyang boksingero at ang tinaguriang People’s Champ na si Manny Pacquiao sa Arizona upang duon magsanay bilang preparasyon sa kanyang pagharap kontra sa Mexican na si Hector Velazquez sa darating na Setyembre 10 sa Los Angeles.

 Dito ay  walang sinuman ang maaring makapasok o makasilip ng ensayong ito ni Pacman na kanyang sisimulan sa susunod na buwan, (Agosto). 

Sa kasalukuyan ay nag-eensayo si Pacquiao sa Wild Card Boxing Club sa US,  ngunit  nakatak-da na itong ilipat ng train-ing gym, kung saan ma-layo sa alinman na maka-kasagabal sa pagha-handa ng nasabing bok-singero.

 Ito’y ayon na rin kay Joseph Ramos na kontak buhat sa Los Angeles ay upang maiwasan ang nangyari noong naka-raang Marso sa pag-eensayo ni Pacquiao sa MGM gym kung saan, iba’t ibang tao ang naka-kapasok, lalo na ang mga may pangalan.

 Sinabi pa ni Ramos na tinitingnan din sa kasa-lukuyan ni Roach ang Gym kung saan nag-ensayo si Mike Tyson, at hindi ito hahayaang buk-san para sa mga tao na nais makapanood ng ensayo. 

Nakatakdang umalis si Pacquiao patungong Los Angeles sa  Aug. 1 sakay ng  Philippine Air-lines ito ay matapos ang kanyang ginagawang pelikulang "Lisensyadong Kamao".

vuukle comment

FREDDIE ROACH

HECTOR VELAZQUEZ

JOSEPH RAMOS

LISENSYADONG KAMAO

LOS ANGELES

MIKE TYSON

PACQUIAO

PHILIPPINE AIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with