^

PSN Palaro

Totoo kayang in love?

SPORTS LANG - Dina Marie Villena -
Sus, grabe talaga ka-in love si Ms. Kris Aquino kay Purefoods cager James Yap at sumugod talaga ito sa Escalante City Negros Occidental.

Pero bakit kaya sa mundo ng basketball, eh hanggang ngayon ay walang gustong maniwala kay Kris?

Lahat kasi nang napagtanungan ko eh kundi hindi kibit balikat ang sagot eh tatawa lang. Bakit kaya?
* * *
Mas naniniwala kasi ang marami na gimik lang ito dahil malapit na ang pagpili sa Rookie of the Year award ng PBA. At kandidato dito si James. Isa sa mahigpit niyang kalaban naman ay si Rich Alvarez ng Shell na involve naman sa singer na si Kyla.

Gayunpaman, mas tahimik ang kampo ni Alvarez dahil bagamat sa parehong artista sila involves, ay magkaiba naman ng level ang dalawa, dahil sikat na artista si Kris magaling na TV host bukod sa pagiging dating anak ng presidente ng bansa, habang si Kyla ay magaling na singer. pagiging artista dahil singer si Kyla.

Gayunpaman, sina James at Rich ay kapwa basketbolista at pawang kandidato sa pagka-ROY award. Kaya nga nag-iingay daw ay dahil isa ito sa paraan para matanim sa isip ng ilang boboto sa PBA ang pangalan ni James.

Naku, ano ba ‘yan. Wag naman sanang ganun. Kasi in fairness naman kay James magaling naman siyang player at ganundin si Rich. Performance-wise, masasabing credible ang dalawa na pagpilian para sa naturang award.

Iyan nga ba ang hirap kapag sa artista na involved eh. Tsismis at intriga ang kasama. Isipin naman sana nila ang kredibilidad nina James at Rich bilang players dahil hindi naman kasama kung kanino sila involve para maging basehan ng kanilang performance.

Eh kung talaga namang in love sa isa’t isa sina Kris at James eh di bigyan naman natin ng laya ang kanilang dam-damin.

That’s love ika nga!!!
* * *
Congrats nga pala sa Welcoat House Paint sa pagiging kampeon nila sa katatapos na PBL Unity Cup. Tila senyales na naman ito ng unti-unti nilang pagtatag ng dinastiyang minsang gumuho.

vuukle comment

ESCALANTE CITY NEGROS OCCIDENTAL

GAYUNPAMAN

JAMES

JAMES YAP

KYLA

MS. KRIS AQUINO

NAMAN

RICH ALVAREZ

ROOKIE OF THE YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with