^

PSN Palaro

Matutong lumangoy sa BLSS Learn to swim program

SPORTS LANG - Dina Marie Villena -
Tag-init na at usong-uso na ang mga summer clinics.

At sa sobrang tindi ng init, masarap ang magbabad sa tubig. Kaya naman isa sa pinakamasarap na summer clinic ngayon ay swimming.

At para doon sa mga gustong matuto ng swimming ngayong summer the best na magpunta kayo sa Berth Lozada Swim School.

Ang BLSS, ang tanging swim school sa bansa na kasapi ng United States Swim School Association at Australian Council sa pagtuturo ng swimming at water safety ay may 30 venues sa buong Luzon at Visayas na may learn-to-swim program.

At para sa inyong kaalaman naririto ang ilang listahan ng mga pinagdarausan ng kanilang summer clinic:(Manila) St. Stephen High School, Philippine Columbian Association, Century Park Hotel, Emilio Aguinaldo College, La Consolacion College, Ciria Cruz Sports Complex; (Makati) Oakwood Premier, Somersat Salcedo, Pacific Plaza, One Roxas Triangle; (Quezon City) Ace Water Spa, Contemporary Hotel, Grace Swim Center, Clubhouse Casa Milan; (Mandaluyong) Wack-Wack Golf & Country Club, (Marikina) Riverbend Hotel; (Pasig) Landmark Villa; (Rizal) Village East, Cainta; (Las Piñas) Elizabeth Seton School, Citadella Executive Village Clubhouse, Las Piñas Montessori, Grand Pacific Villas: (Parañaque) Phil. Christian School for Better Tomorrow ; (Alabang) Alabang Country Club; (Cavite) Elizabeth Seton School; (Laguna) Lake City Pool Complex, San Pablo, Riverview Resort, Calamba; (Bacolod) Bacolod Convention Plaza ; (Naga) Dr. Rañola Swim Pool, Civic Youth Center, (Bulacan) Latian Resort, Marilao; (Pangasinan) Narcisio Ramos Sports and Civic Center.

Maari din kayong tumawag kay Angelo Lozada sa BLSS 563-5532/589-1982/562-8041/805-0237 o bumisita sa kanilang website sa www.bertlozadaswimschool.com. para sa iba pang impormasyon.

So ano pa ang inyong hinihintay, go na kayo sa pinaka-malapit na lugar na gusto n’yo at swim na kayo.
* * *
Kung basketball naman ang hilig n’yo, marami kayong mapupun-tahang summer clinic ngayon at pawang mga sikat at mahuhusay na dating basketball players ang nagtatag ng kani-kanilang summer basketball camps.
* * *
Puwede rin ang iba pang sports na ang Milo naman ang may pakana. O maging sa mga SM malls ay may mga summer camp din silang puwedeng puntahan ng inyong mga anak. May taekwondo, badminton, bowling, ice-skating at iba pa.

So i-enroll nyo na ang inyong mga anak ngayon.

vuukle comment

ACE WATER SPA

ALABANG COUNTRY CLUB

ANGELO LOZADA

AUSTRALIAN COUNCIL

BACOLOD CONVENTION PLAZA

BERTH LOZADA SWIM SCHOOL

ELIZABETH SETON SCHOOL

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with