^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Hapee vs Toyota-Letran

-
Batid na kailangan nilang walisin ang mga nalalabi nilang mga laro upang manatili sa kontensyon para sa ikalawang awtomatikong upuan sa semifinals, tiyak na ibubuhos ng defending champion Hapee Toothpaste at Toyota Otis-Letran ang lahat ng kanilang puwersa sa kanilang muling pagku-krus ng landas ngayon sa pag-usad ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Makati Coliseum.

Ang duelo ay itinakda sa ganap na alas-dos ng hapon, na susundan ng pagsasagupa ng kapwa umiiwas sa maagang eliminasyon na Lee Pipes-Ateneo at Blu Star Advance sa tampok na laro sa ika-4 ng hapon.

Ang unang outright semis berth ay nasa kamay na ng nangungunang Viva Mineral Water-FEU sa bisa ng tangan nitong 7-1 record. Ang isa pang slot ay mapupunta na sana sa Welcoat Paints kung hindi ito nabigo sa Blu Star, 77-74, kamakalawa, na nagbigay pa ng pag-asa sa Hapee, Toyota, at Sunkist-UST.

Ang Teeth Sparklers at Knights ay may magkaparehong 3-4 win-loss slate at kanilang makakamit ang naturang pribilehiyo kung maipapanalo nila ang lahat sa kanilang natitirang tatlong asignatura. Ang isa nilang pagkatalo, gayundin ng Tigers na may 4-4 marka, o ang pagwawagi ng Paint Masters ng isa pang laro ay magdudulot sa kanila ng kabiguan sa naturang slot.

Gaya ng Teeth Sparklers, na kamakalawa ay pinayuko ng Montana Pawnshop, 75-76, ang Knights ay nakasakay din sa serye ng kabiguan, kung saan natalo ito sa nakalipas nilang dalawang pagsalang, pinakahuli ay ang 64-77 pagluhod sa Water Force noong Sabado.

Samantala, sisikapin naman ng Blue Eagles na dugtungan pa ang tinatamasa nila ngayong magkatalikod na tagumpay sa pagsabak nilang ito kontra Detergent Kings, na hangad naman tuluyan nang makabangon sa hukay. Ang dalawang koponan ay may magkapareho ding 2-5 karta at kasalukuyang nasa ilalim ng standings. (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

ANG TEETH SPARKLERS

BLU STAR

BLU STAR ADVANCE

BLUE EAGLES

DETERGENT KINGS

HAPEE TOOTHPASTE

LEE PIPES-ATENEO

MAKATI COLISEUM

MONTANA PAWNSHOP

PAINT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with