^

PSN Palaro

PBL Platinum Cup: Fash nakabawi sa Welcoat

-
Walang sweep.

Ito ang resulta ng panalo ng Fash Liquid Laundry Detergent kahapon laban sa Welcoat Paints sa makapigil-hiningang double overtime na Game-Two ng finals ng PBL Platinum Cup sa San Juan Gym.

Naitabla ng Fash ang best-of-five championship series sa 1-1 panalo-talo.

Isinalba ni Francis Mercado ang Liquid Powers nang umiskor ito ng anim na puntos kabilang ang krusyal na free-throws sa ikalawang extra perod.

Binasag ni Mercado ang huling pagta-tabla ng iskor sa 80-all nang kanyang ipasok ang dalawang charity shots mula sa foul ni Jojo Tangkay, 22.5 segundo ang oras sa laro para kunin ang 82-80 kalamangan.

Sa sumunod na play, ang pangunahing MVP contender na si Tangkay ay kumana ng tres sa kanyang pagnanasang iligtas ang Welcoat sa kapahamakan ngunit sumablay ito.

Agad na nakuha ni Mercado ang rebound at na-foul ni Willy Wilson para sa dalawang free-throws na nagselyo ng final score.

vuukle comment

BINASAG

FASH LIQUID LAUNDRY DETERGENT

FRANCIS MERCADO

JOJO TANGKAY

LIQUID POWERS

MERCADO

PLATINUM CUP

SAN JUAN GYM

WELCOAT PAINTS

WILLY WILSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with