^

PSN Palaro

Ika-66th Season sasabat sa Hulyo 12, 2003

-
Magbubukas na ang ika-66th edisyon ng University Atheltic Association of the Philippines sa Hulyo 12 kung saan umaasa ang Ateneo na mapanatili ang korona sa men’s basketball.

Pormal na tinanggap ni Jose Capistrano Jr., ang pagkapangulo ng UAAP mula kay Sonny Paguia ng National University sa isang simpleng seremonya may dalawang linggo na ang nakakaraan.

Bibigyan din ang 13 pang sports events na taunang nakalinya sa UAAP na siyang pangunahing prayoridad ng host na maghahanda sa mainit na isang oras na opening ceremony na magsisimula sa ala-una ng hapon sa Araneta Coliseum.

Maghaharap ang University of the Philippines at National University sa alas-2 ng hapon, habang ang losing finalist na De La Salle University ay makakalaban naman ang University of Santo Tomas sa alas-4 ng hapon na susundan ng kanilang juniors sa alas-6 ng gabi.

Matutunghayan la-mang ang Blue Eagles sa Hulyo 13 at makakalaban naman nila ang isa sa tatlo pang natitirang team na University of the East Red Warriors.

Ang men’s basketball games ang itatanghal sa Araneta Coliseum at sa Ateneo gym sa Quezon City.

Samantala, itutuon naman ng UST ang kanilang paningin sa overall championships na kanilang hawak sa ika-9th pagkakataon. Ang UST ang overall champion sa kanilang naipong 295 puntos at ikalawa ang La Salle 273.

Ikatlo ang ang UP na may 248, kasunod ang UE 196, Ateneo 170, FEU 148, Adamson 87 at NU 18.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ATENEO

BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

HULYO

JOSE CAPISTRANO JR.

LA SALLE

NATIONAL UNIVERSITY

QUEZON CITY

SONNY PAGUIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with