^

PSN Palaro

Alcantara, ibinulsa ang 14-under crown

-
CEBU– Naungusan ni Francis Casey Alcantara ng Cagayan de Oro City ang local bet na si James Canete, 4-6, 7-5, 6-3 upang ibulsa ang boys’ 14-under bago kinoronahan ang kanyang sarili para sa double champion sa pamamagitan ng 6-1, 6-1 tagumpay kontra naman kay Bernardine Siso sa boys’ 12-under division sa pagtiklop ng Adidas Tennis Challenge 2003 dito noong Sabado sa Sancase Tennis Club.

Dinuplika ni Melody Barraquias ng Dumaguete ang kanyang kambal na panalo matapos na iposte ang 6-2, 6-4 tagumpay kontra naman kay Floreza Alesna sa girls’ 12-under at Jin Querubin, 7-5, 6-3 sa girls’ 16-under brackets ng Adidas netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Wilson balls, Milo at Sports Kids na may group-3 Philta sanction.

Iginawad ng Adidas sports manager na si Goody Custodio ang mga tropeo kina Alcantara; Barraquias at Siso sa unisex 10-under; Martina Guba ng La Carlota sa girls’12-under; Querubin sa girls’ 14-under; John Villa sa boys’ 16-under at Janjie Soquino sa boys’ 21-under divisions.

Iho-host ng Luz Village Tennis Club sa Butuan City ang 3rd leg ng nationwide Adidas Tennis Challenge 2003 simula ngayon.

ADIDAS

ADIDAS TENNIS CHALLENGE

BERNARDINE SISO

BUTUAN CITY

FLOREZA ALESNA

FRANCIS CASEY ALCANTARA

GOODY CUSTODIO

JAMES CANETE

JANJIE SOQUINO

JIN QUERUBIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with