^

PSN Palaro

Benjie Paras magreretiro na

-
Pormal ng inihayag ni PBA MVP Benjie Paras ng Shell Velocity ang kanyang pagreretiro bilang manlalaro.

"Wala na, talagang hirap na. Tapos marami pang mas batang kalaban, so kailangang magretiro na talaga ako," anang 34 anyos na si Paras, na sumulat sa kasaysayan ng PBA bilang natatanging player na kumuha ng MVP at Rookie of the Year award noong 1989.

"Gusto ko pa sana, pero hindi kaya ng katawan ko." aniya pa.

Gayunpaman, hindi pa rin tuluyang mawawala si Paras na nakamit ang kanyang ikawalang MVP noong 1999, sa Shell.

" As much as possible, gusto kong maging part ng coaching o ng training staff ng Shell. Pero next week pa kami mag-uusap muli ng management," pahayag ni Paras, na tulad ng kanyang ka-partner na si Ronnie Magsanoc ay nagretiro na rin ngayong taon.

Sina Paras at Magsanoc ay magkasama sa UP Maroons na nag-champion noong 1986 na kinabibilangan din nina dating Purefoods coach Eric Altamirano at Joey Guanio na assistant coach ni Perry Ronquillo sa Shell.

Noong isang taon hindi nakapaglaro si Paras sa Shell bunga ng kanyang groin injury at sa pagpasok ng taong ito, bagamat naka-rekober na siya ey sinabi pa rin ni Paras na " Hindi na nating kayang makipagsabayan sa mga mas bata. Kaya ibigay na lang natin sa kanila."

Hindi na kasama sa lineup ng Shell si Paras ngayong pagpasok ng 29th PBA season na nakatakdang magbukas sa Pebrero 23. (Ulat ni DMVillena)

BENJIE PARAS

ERIC ALTAMIRANO

GAYUNPAMAN

JOEY GUANIO

PARAS

PERRY RONQUILLO

RONNIE MAGSANOC

ROOKIE OF THE YEAR

SHELL VELOCITY

SINA PARAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with