^

PSN Palaro

Mexican boxer TKO kay Espinosa

-
Siniguro ng dating two-time world champion na si Luisito Espinosa na maging maganda ang kanyang pagbabalik sa ibabaw ng lona noong Biyernes ng gabi matapos ang anim na buwang pamamahinga.

Ito’y makaraang magtala ng 4th round technical knockout na panalo kontra kay Ramon Aragon ng Mexico sa undercard ng laban nina Mike Tyson at Andrew Golota na ginanap sa Auburn Hills, Michigan noong Biyernes ng gabi (Sabado ng umaga sa Manila).

Pinabagsak ng 33-anyos na si Espinosa ang kalabang si Aragon sa 2nd round na sinundan ng pagsarado ng mga mata ng Mehicanong kalaban nito sa third round matapos na magpakawala ng mga malalakas na jabs ang dating kampeon.

Dahil sa pagkakasara ng mga mata ng Mehicanong fighter, minabuti na lamang ng referee na itigil na lamang ang laban matapos ang ikaapat na round para hindi na masaktan pa ang kalaban ni Espinosa.

Matatandaan na huling lumaban si Espinosa noong buwan ng Abril, pero bigo itong muling maagaw ang WBC featherweight crown nang pabagsakin siya ni Guty Espadas ng Mexico sa laban na idinaos naman sa Merida.

vuukle comment

ABRIL

ANDREW GOLOTA

AUBURN HILLS

BIYERNES

ESPINOSA

GUTY ESPADAS

LUISITO ESPINOSA

MEHICANONG

MIKE TYSON

RAMON ARAGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with