Camille, may payo sa anak na papasok sa kolehiyo

Naging emosyonal si Camille Prats nang ibahagi sa Instagram ang pagpasok sa kolehiyo ng panganay niyang anak na si Nathaniel Caesar “Nate” Linsangan sa Ateneo de Manila University.
Nag-post si Camille ng photos sa unang araw ni Nate sa campus kasama ang throwback photos nito noong bata pa.
Ibinahagi niya na unang nakatapak si Nate sa Ateneo noong Grade 1 pa lang, pero may ibang plano ang Diyos kaya napunta ito sa ibang school. “After high school, you shared with us your desire to pursue college at this university. We prayed for it together as you worked hard and pushed yourself toward this goal. This moment right here is a beautiful testament to God’s sovereignty and faithfulness. Truly, we can make our plans, but it is the Lord who establishes our steps,” caption ni Camille.
Payo niya kay Nate: “May this always be a reminder to you, Nate, that nothing can stop what the Lord has willed for your life... May you continue to be salt and light wherever God places you.”
Nagtapos si Nate ng high school sa Life Academy International. Siya ang anak ni Camille sa yumaong asawang si Anthony Linsangan na pumanaw noong 2011.
Samantala, bibida si Camille sa upcoming Kapuso series na A Million Dreams kasama sina Caprice Cayetano at Angel Guardian.
Michael, naging barkada na lang ang mga anak
Ikinuwento ni Michael De Mesa na maaga siyang naging ama at marami siyang natutunan kung paano maging isang tatay sa edad na 17.
Ayon sa 66-year-old veteran actor, 17 years lang ang agwat nila ng panganay niyang si Ryan Eigenmann.
Parang magkakabarkada lang daw sila ng mga anak niya dahil habang lumalaki ang mga ito ay natututo rin siyang maging tatay. “So ang naging relationship ko sa mga anak ko parang magkaibigan lang kami. Kasi growing up, natututo pa rin akong maging tatay.
“So ganu’n ‘yung naging relationship namin na siguro 50% ‘yung pagiging tatay, and then 50% ‘yung pagiging halos magkaibigan,” kuwento ni Michael sa tatlong anak nila ng dating asawang si Gina Alajar na sina Ryan, Geoff at AJ Eigenmann.
Mapapanood si Michael sa pelikulang Buddy, kasama sina Shaira Diaz, EA Guzman, Benjie Paras, Elisse Joson, Elijah Canlas at Empoy Marquez.
Fil-Am actor, pasok sa Grey’s Anatomy
Proud na in-announce ng Filipino-American actor na si Vincent Rodriguez III na makakasama siya bilang guest star sa medical drama na Grey’s Anatomy.
Sa Instagram post, sinabi niyang gaganap siya bilang isang pasyente sa upcoming episode at magsusuot pa ng prosthetics.
“I finally visited Grey+Sloan Memorial. You’ll be seeing this Filipino as a patient on Grey’s Anatomy on ABC, and on Hulu the next morning,” caption niya.
Matagal na raw niyang pangarap na mapasama sa isang hospital show at hindi niya inakalang mangyayari ito sa 23rd season ng longest-running primetime medical drama sa American TV.
Si Vincent ay openly gay actor at kasal kay Gregory Wright. Nakilala siya sa mga US series na Crazy Ex-Girlfriend, Insatiable, With Love, at iba pa.
- Latest





















