Presyo ng gasolina, tataas; diesel, posibleng bumaba
October 31, 2026 | 12:00am
MANILA, Philippines — Asahan ang pagkakaroon ng taas- baba ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ang pagtaya ng source ay nakabase sa Mean of Platts Singapore trading at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw.
Ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas ng hanggang P3/L habang ang diesel ay may rollback na P0.60/L.
Ang pinal na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ay karaniwang iniaanunsiyo sa araw ng Lunes at ipinaiiral naman kinabukasan, araw ng Martes.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended















