Jinggoy, tumangging mag-plea sa flood control scam
MANILA, Philippines — Tumangging maghain ng plea si Senador Jinggoy Estrada sa P573 milyon na kasong plunder at graft kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects nitong Huwebes, Setyembre 3.
Dahil dito, ang Sandiganbayan Fifth Division ang nagpasok ng not guilty plea para sa senador.
Dumating si Estrada sa korte na nakasaklay matapos magtamo umano ng punit sa kaliwang tuhod.
Magugunita na noong nakaraang linggo dinala si Estrada sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City matapos mapunit ang litid sa kanilang tuhod.
Ayon kay Dr. Jose Fernando Syquia, ang senador ay nagkaroon ng injury mula sa pagkakaupo nang may lumagutok sa tuhod nito.
Nakakulong ito kaugnay ng alegasyong tumanggap ng kickback mula sa mga flood control project.
- Latest















