Former child star, daring na ang image

Body positive lang ang former child star na si Eunice Lagusad dahil confident ito na rumampa na suot ang kanyang red bikini.
Sa kanyang Instagram post, uma-aura si Eunice habang lumalangoy sa swimming pool. At may isang photo siya na nag-topless siya sa pool, pero nakalikod naman.
Ikinatuwa ng maraming netizen ang positive energy na nanggagaling sa aktres kahit na alam niyang may mga puwedeng mag-body shame sa kanya.
Kabilang sa mga kaibigan ni Eunice sa showbiz na nag-comment ay sina Kim Rodriguez, Patricia Coma, Johnvic de Guzman, Jeniffer Maravilla, at Kazel Kinouchi.
Caption pa ng 28-year old actress ay “cause she can too.”
Nakilala si Eunice dahil sa 2006 GMA teleserye na Bakekang kunsaan ginampanan niya ang role na si Charming. Lumabas din siya sa mga shows na Ay Robot, Princess Charming, Princess Sarah, Aryana, Mga Anghel na Walang Langit, Onanay, Daldalita, Prima Donnas, at Abot-Kamay ang Pangarap.
Class teens, may nanalo na
Tinanghal na grand champion sa first-ever The Clash Teens ang 15-year old “Baby Girl Biritera ng Pangasinan” na si Hannah May.
Tinalo niya ang nakasama niya sa final four na sina Kaye Gabunada, Martin Miguel, and Violette Sta. Cruz.
Sa final one-on-one clash with Kaye, inawit ni Hannah ang “What About Us,” samantalang si Kaye ay inawit ang “I Am Changing.”
Bilang grand champion ng The Clash Teens, natanggap si Hannah May ang ?1,000,000 cash prize, an appliance package, and an exclusive management contract under Sparkle.
Mga judges ng The Clash Teens ay sina Christian Bautista, Jillian Ward, and JL Toreliza of BGYO.
Susan, inaming nawalan ng career dahil sa pakikialam
Inamin ng Oscar-winning actress na si Susan Sarandon na dahil sa outspoken support niya for Palestinians and calls for a ceasefire in Gaza, naapektuhan ang career niya sa Hollywood.
Iyon daw ang dahilan kung bakit maraming film projects ang nawala sa kanya at binitiwan siya ng kanyang longtime talent agency na UTA noong 2023.
“I’ve still had movies taken away recently because there are agencies that are telling people not to hire me still.
“But that’s the power structure. I think among people, certainly internationally, I feel welcome,” sey ng 79-year old actress sa pagdalo niya sa Venice Film Festival.
Kasama si Susan sa cast ng The Echo Chamber, isa sa 21 films competing for Venice’s Golden Lion award on September 12.
Kasalukuyan ding may mga film projects na gagawin si Susan sa United Kingdom and Italy.
- Latest
























