^

Police Metro

Manager tepok sa suntok ng kapitbahay

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Manager tepok sa suntok ng kapitbahay
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Muhhamad Ali Ramirez Macapundag, 39, may-asawa, manager, tubong Marawi City at residente ng Sta. Catalina St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang 39-anyos na lalaki ang nasawi nang makipag­suntukan ito sa kapitbahay na umano ay gumasgas at nagnakaw ng plaka ng kaniyang sasakyan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Muhhamad Ali Ramirez Macapundag, 39, may-asawa, manager, tubong Marawi City at residente ng Sta. Catalina St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Himas rehas naman ang suspek na si Joey Umuso Bulusan, 30, binata, construction worker, ng No. 5 St. Joseph St., Brgy. Holy Spirit, QC.

Sa report ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-11:30 ng gabi nitong Martes sa St. Joseph St., Brgy. Holy Spirit ay puwersahang tinanggal ng suspek ang plate number at ginasgasan ang sasakyan ng kapatid ng biktima na si Mohalem.

Kinompronta ng magkapatid ang suspek at hinahanap dito ang nawawalang plate number hanggang sa magwala ang huli at sinuntok sa mukha ang biktima.

Bagama’t gumanti ng suntok ang biktima at naawat, bigla itong natumba at nawalan ng malay.

Naisugod pa sa Rosario Maclang General Hospital subalit binawian din ng buhay. Inihahanda na ang kaso laban sa suspek.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with