^

PSN Showbiz

Wrive at Cianne, nag-collab!

Pilipino Star Ngayon
Wrive at Cianne, nag-collab!
WRIVE at Cianne Dominguez

Binigyan ng bagong tunog ng rising P-pop group na WRIVE ang rap/hiphop classic na Sumayaw Ka kasama ang singer at It’s Showtime host na si Cianne Dominguez.

Orihinal na isinulat at inawit ni Gloc-9 ang kanta na tungkol sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay at pagpapatuloy kahit hindi madali ang mga pinagdaraanan. Ang bagong bersyon ay mula sa produksyon at arrangement nina Darren Cashwell at WRIVE member Russu.

Bago pa ang official release, naiparinig na ng WRIVE ang Sumayaw Ka sa iba’t ibang shows at events, kabilang ang first anniversary celebration ng grupo na Unang Taon noong Hulyo at Star Magic’s All-Star Games sa SM Mall of Asia Arena noong nakaraang buwan.

Patuloy rin ang pagpapasabik ng grupo sa paglabas ng kanta sa pamamagitan ng dance challenge sa social media, kung saan nakisabay ang iba’t ibang Kapamilya personalities.

Inilabas ng grupo ang kanilang self-titled debut album noong Enero na umani na ng mahigit 700,000 streams sa Spotify. Tampok dito ang mga awiting Ooh La La, Senorita at Panaginip Na Lang.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with