^

PSN Palaro

Letran, LPU bakbakan sa huling semis slot

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipaparada muli ng L­yceum of the Philippines Lady Pirates sa opensa si Janeth “Jaja” Tulang pagharap nila sa No. 2 seed Letran Lady Knights sa pangalawang stepladder semifinals ng NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na lalaruin sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan ngayong araw. 

Magsisimula ang paluan ng bola sa alas-2 ng hapon kung saan wala ng bukas para sa magkapit-bahay sa Intramuros na LPU at Letran.

Ito’y dahil knockout match ang labanan.

Kumana si Tulang ng 23 points mula sa 16 attacks, limang blocks at dalawang service aces kasama ang 11 excellent digs at walong excellent receptions para itaguyod sa panalo ang Lyceum kontra Arellano University Lady Chiefs, 25-17, 24-26, 25-20, 25-19 sa unang stepladder.

Sa naturang panalo, nahirang na Best Player of the Game si Tulang at inaasahang makakatuwang nito sina Johna Denise Dolorito, Bio Heart at Joan Doguna na nag-ambag ng 17, 8 at 7 markers, ayon sa pagkakasunod para sa LPU.

Ang mananalo sa pagitan ng Lady Pirates at Lady Knights ang haharap sa best-of-three finals kontra sa two-time defending champions College of Saint Benilde Lady Blazers.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with