Magtiyuhin, itinumba matapos magsimba

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang magtiyuhin nang sila ay pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo matapos na magsimba sa naganap na ambush sa highway ng Brgy. Calinan, Davao City noong Biyernes.
Kinilala ang mga nasawing biktima sa pangalan lamang ng mga itong Ansari; at pamangkin nitong si Kandaw, pawang residente ng Bry. Balabagan,Lanao del Sur.
Sa ulat ng Davao City Police,ala-1:00 nh hapon nangyari ang pananambang sa magtiyuhin sa bahagi ng Teachers Village, Brgy. Calinan.
Sa imbestigasyon, kalalabas lamang ng magtiyuhin sa Calinan mosque nang sundan ng mga armadong salarin na sakay ng motor ang sinasakyan nilang motorsiklo.
Pagsapit sa lugar ay sunud-sunod na pinagbabaril ang magtiyuhin habang mabilis namang nagsitakas ang mga salarin sa crime scene.
Si Kandaw ay dead- on-the-spot sa insidente habang si Ansari ay idineklarang dead-on- arrival sa pagamutan.
Ang labi ng magtiyuhin ay ibiniyahe na sa Balabagan,Lanao del Sur upang mailibing sa loob ng 24 oras alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim.
Isinasailalim na ng mga otoridad sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.
- Latest















