^

PSN Opinyon

‘Kapos man sa bulsa, may bigas sa mesa!’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Sa panahon ngayon na halos araw-araw tumataas ang presyo ng bilihin, bawat pisong natitipid ng isang pamilyang kapos sa buhay ay malaking bagay. Kaya ang programang Benteng Bigas, Meron Na! ay hindi basta simpleng pagbebenta ng murang bigas para sa mara­ming Pilipino, isa itong dagdag na kapit sa panahong hirap na hirap silang pagkasyahin ang kinikita sa araw-araw.

Noong Setyembre, halos isang milyong Pilipino ang nakinabang sa programa, pinakamataas na bilang sa loob ng isang buwan mula nang ilunsad ito noong Mayo 2025. Ayon sa Department of Agriculture, umabot sa 961,346 ang mga benepisyaryo na nakabili ng 21.4 milyong kilo ng lokal na bigas sa presyong mas mababa kaysa sa karaniwang bentahan sa merkado.

Hindi biro ang ganitong tulong, lalo na sa mga pa­milyang ang pangunahing pinagkakagastusan ay pagkain. Sa isang tahanang maraming anak, ang bawat kilong bigas ay katumbas ng ilang platong kanin, ilang hapunang hindi kailangang tipirin, at ilang araw na hindi kailangang mangutang para lang may maisubo sa hapag.

Kaya saludo ang masa sa mga programang tunay na umaabot sa kanilang kamay. Lalong mahalaga ito para sa mga senior citizen, solo parent, PWD, minimum wage earner, magsasaka, mangingisda at mga ­pamilyang kapos sa kita. Sila ang mga taong madalas unang tinatamaan kapag nagmamahal ang bilihin, pero huling nakakahinga kapag may krisis.

Pero malinaw din ang isang bagay, hindi sapat na may murang bigas ngayon kung bukas ay balik na naman sa dating problema. Ang tunay na sukatan ng programa ay hindi lang dami ng nabentang kilo o bilang ng mga pumila. Dapat makita kung gaano kalaking ginhawa ang naidulot nito sa bulsa ng pamilya at kung tuluy-tuloy na napapababa ang presyo ng panguna­hing pagkain.

Kung pangako ang Benteng Bigas, dapat panindigan hanggang dulo. Huwag gawing pana-panahong ayuda o pang-display lang sa mga ulat. Dapat mas maraming lugar ang maabot, mas maayos ang suplay at walang palakasan sa pamamahagi.

Sa huli, hindi naman naghahanap ng milagro ang masa. Ang gusto lang nila ay abot-kayang pagkain, disenteng kabuhayan at gobyernong hindi sila kinakalimutan. Kung ang murang bigas ay tunay na nakapagpapagaan sa hapag ng mahihirap, dapat itong ipagpatuloy at palakasin.

Dahil sa bawat tahanang may kanin sa mesa, may pamilyang kahit papaano ay nakakahinga. At sa panahong gipit ang lahat, ang ganitong tulong ay hindi dapat ipagkait dapat pang paramihin.

BAGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with