^

PSN Opinyon

Pambu-bully sa mga PWDs ‘di katanggap-tanggap

WAG EPAL - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Walang puwang sa lipunan ang mga bully, lalo na kung ang sentro ng kanilang pambu-bully ay kabilang sa mga persons with disabilities o PWDs. Lahat tayo ay may kakulangan.

Hindi humihingi ng special treatment ang mga PWDs subalit bilang Pilipino, likas sa atin ang pagiging makatao, matulungin at maawain.

Pero tila iba ang naging pagtrato ng 5 kalalakihan na host ng “Machong Chismisan” sa isang PWD sa katauhan ni Joshua Aquino, anak ng Multimedia Queen na si Kris Aquino. Ano kaya ang pumasok sa kukote ng mga machong ito at napiling gawing katatawanan si Josh. Ipinakita lang ng mga machong ito ang kanilang pagiging insensitive.

Siguradong hindi ginusto ni Josh na mapabilang sa mga PWD subalit sa pagmamahal ng kanyang mga pamilya at kaibigan nananatili itong mabuting tao.

Tila may halong inggit, inis o talagang kulang sa pansin ang limang macho na ito kaya napili nilang pag-usapan si Josh na anak ng mga celebrity. Marunong pumili ng topic ang mga ito dahil sikat ang kanilang pinulutan at talaga namang nakakuha ng atensyon ang podcast ng Machong Chismisan.

Pero ang sandaling kasiyahan ay napalitan ng lungkot at sana nga’y taus pusong pagsisisi sa kanilang nagawa. Tinanggal na rin ng The Pod Network ang kontrata ng Machong Chismisan. Umani ng mga batikos mula sa iba’t ibang sektor ang isyu at pinatawag na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang podcast host.

Maging aral sa bawat isa na dapat na maging maingat sa mga sasabihin upang hindi makapanakit ng kapwa.

PWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with