14-anyos, isa sa riding-in-tandem na holdaper .
MANILA, Philippines — Isang 14-anyos na binatilyo ang sinagip ng Mandaluyong Police mula sa ka-tandem na 23-anyos sa panghoholdap sa Mandaluyong City, Biyernes ng madaling araw.
Sa ulat, agad na dinakip ang 23-anyos na si alyas “John”, rider ng Honda Click motorcycle at kinustodiya ang backrider nito na 14-anyos Child-in-Conflict with the Law (CICL) na kasabwat sa panghoholdap sa 43-anyos na biktima, na naglalakad sa Shaw Boulevard corner Kalentong dakong ala 1:40 ng madaling araw ng Oktubre 25.
Nilapitan ng nakamotorsiklong mga suspek ang biktima sa tapat ng China Bank at pinagbantaan na aatakehin ng 14-anyos habang nakapasok ang isang kamay sa loob ng kanyang damit, na pinalabas na may nakatagong armas, at sapilitang inagaw ang bag.
Nagtatakbo ang biktima sa direksyon ng Haig St. at nakasalubong ang nagpapatrolyang mga pulis na rumesponde sa kanyang reklamo. Hinabol nila ang dalawa at narekober ang bag at kinumpiska ang motorsiklo, isang screwdriver, mobile phones, at iba pang personal na gamit.
- Latest




















