^

PSN Opinyon

Okey lang magbakasyon

Enjoy Lang! - Fr. Glenn Paul M. Gomez, SVD - Pilipino Star Ngayon

Okey lang magbakasyon. Hindi ka tamad. Hindi ka pabigat.

Maraming Pilipino guilty magbakasyon. Kapag nag-beach ka, “sana all may pera.” Kapag nag-day off ka, “tamad ka.” Kaya kahit pagod na pagod na tayo, sige pa rin tayo sa kayod. Hanggang sa magkasakit na.

Kapatid, ang Diyos mismo nagbakasyon!

Sa Genesis 2:2, “Natapos ng Diyos ang Kanyang gawain at nagpahinga Siya sa ikapitong araw.”

Kung ang Diyos na makapangyarihan nagpahinga, ikaw pa kaya?

At sabi ni Hesus mismo sa Marcos 6:31 sa Kanyang mga apostol, “Halikayo, magtungo tayo sa ilang na lugar at mag­pahinga kayo nang kaunti.”

Kita mo? Si Hesus mismo ang nagyayang magbakasyon. Hindi Niya sinabi, “Mag-trabaho pa kayo!” Ang sabi Niya, “Mag­pahinga kayo.”

Dahil alam ni Hesus, ang taong pagod ay hindi na ma­kapagmahal nang maayos.

Ayon sa Psychology, ang bakasyon ay hindi luho, gamot ito. Sabi ng American Psychological Association (APA, 2023), ang taong hindi nagbabakasyon ay 3x mas prone sa heart attack at burnout. Ang utak na pagod ay nagiging magagalitin, makakalimutin, at malungkutin.

Sabi naman ni Dr. Adam Galinsky, ang “Vacation Effect” ay nagpapataas ng creativity ng 40%. Kaya pagkatapos ng bakasyon, mas magaling ka mag-isip, mas masipag ka, mas mapagmahal ka sa pamilya.

Kaya okey lang magbakasyon sa Tagaytay kahit 2 araw lang.

Okey lang mag-beach kahit sa tabi-tabi lang.

Okey lang mag-off ng cellphone at matulog buong araw.

Hindi mo kailangang gumastos ng malaki. Ang bakasyon ay hindi lugar, pahinga ng kaluluwa.

Huwag mong hintayin na sa ospital ka na magpahinga. Magpahinga ka habang malakas ka pa.

Okey lang magbakasyon. Kung ang Diyos nagpahinga, sino tayo para hindi? Magpahinga ka - para mas makapagmahal ka ulit.

Magdasal po tayo: Lord, pagod na po ako. Pahintulutan N’yo po akong magpahinga nang walang guilt. Amen.

Bendisyonan po kayo ng Poong Maykapal.

DIYOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with