^

PSN Opinyon

Hit-and-run incidents dumarami

WAG EPAL - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Madalas ngayon ang mga insidente ng vehicular acci­dents lalo ang mga nasagasaang pedestrian o natumbok na rider. Nandiyan pa ang hit-and-run.

Sa loob ng isang linggo, aabot sa 3 hanggang 5 insidente ng vehicular accidents ang naitatala sa buong bansa. Pero sino nga ba ang may kasalanan sa mga insidente.

Ang insidente sa Barangay Makiling, Calamba City, Laguna na ikinasawi ng isang 25-anyos na lalaki na bibili lamang ng almusal ay malinaw na kawalanghiyaan ng driver ng van. Kitang-kita naman kasi sa CCTV na nasa pedes­trian ang biktima habang papatawid pero ang driver ng van humaharurot. Ang masaklap na hit-and-run ang biktima.

Dead-on-the-spot din ang lady rider nang ma-hit-and-run ng truck sa  Binondo, Maynila nitong Martes, Hulyo 7.  Posible raw hindi nakita ng truck driver ang biktima habang papaakyat sa Delpan bridge. Wala bang nagsabi sa driver na may nasagasaan itong motorcycle rider? Bakit tinakbuhan ng driver? Tsk tsk tsk..

Biyernes naman ng madaling araw sa Mandaluyong City nang ma-hit and run din ang angkas na babae. Tumilapon at namatay ang biktima on the spot. Sugatan ang rider. Ang suspek ay driver ng sasakyan ng isang pinaniniwalaang congressman dahil sa sticker na nakakabit sa sasakyan nito. Halata mo ring guilty dahil tinakpan ang mga plaka ng sasakyan sa harap at likuran. Kita rin ang sira ng sasakyan na indikasyon na  may nabangga ito.

Kahit na ilang traffic signage ang ilagay ng gobyerno sa lansangan kung iresponsable ang driver balewala rin. Sa mga motorista, kung sangkot sa mga vehicular accident, maging responsable na harapin ang kaso lalo pa’t buhay ng tao ang  nawala.

Tandaan nyo na ang drivers license ay hindi karapatan kundi isa lamang pribilehiyo.  Masakit sa kahit sinong pamilya na mawalan mahal sa buhay.

Matakot kayo sa Karma! Mahuli sana kayo!

HIT

RUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with