^

PSN Opinyon

Bakery to Piggery...Juliet Piggery Farm

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang payak na buhay na tinatahak sa pag-aalaga ng baboy ng isang ginang na taga-Batangas.

Ang aking tinutukoy ay si Juliet Jarabejo, owner ng Juliet Piggery Farm sa Sitio Kawa, La Consolacion Village, San Felipe, Cuenca Batangas.

Ginamit ni Juliet ang kanyang diskarte, sinamahan ng sipag, tiyaga at matibay na pananampalataya sa Dakilang Lumikha.

Ayon kay Juliet, sa hirap ng buhay ngayon ay hindi puwede ang iisang kita lang.

“Dapat mayroon kang multiple source of income, lalo na kami… malaki ang aming pamilya. Siyam ang aming anak, kailangan kumayod ng husto para mabuhay, mapag-aral at mabigyan sila ng magandang kinabukasan,” aniya.

Nagsimula sa isang bakery at dahil sa ga-bay ng Panginoon ngayon ay pito na.

Bagamat maganda na ang kita sa pagbe-bakery ay nag-alaga pa ng baboy si Juliet.

“Nagsimula po ako sa 15 baboy na fattener ngayon ay 65 na, kabilang na ang limang inahin,” sabi ni Juliet.

Ayon kay Juliet, kinakausap niya at hinahagod ang likod ng kanyang mga alagang baboy tuwing pinapakain at pinapaliguan niya.

Ang limang inahin na baboy na alaga ni Juliet ay pinangalanan niyang Agatha, Bar-bara, Brenda, Thalia at Samantha.

Para makatipid sa pagkain ng mga baboy ay nagtanim si Juliet ng mga saging, gulay at prutas sa kanilang kalahating ektarya na farm.

“Kapag may konting sira sa aming harvest sa farm ay pinapakain namin sa mga baboy para makatipid sa pambili ng feeds,” pahayag pa ni Juliet.

Sa ngayon ay patuloy na nagsisikap si Juliet katuwang ang kanyang buong pamilya para lalo pang mapalawak ang negosyo na binigay sa kanila ng Panginoon.

Sa mga gustong bumili ng masarap na tinapay at buhay na baboy kay Juliet ay i-text lang po ninyo siya, huwag po tawag sa 09208353122 at magpadala ng mensahe sa kanyang FB na Juliet Lunar Jarabejo.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Noong June 7, 2026 ay ginawaran bilang Lifetime Achievement Award Innovation and Advocacy in Sustainable Agriculture and Urban Gardening ng Dangal ng Lahing Pilipino ang Magsasakang Reporter na ginanap sa Lime Resort and Hotel sa Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text sa 09178675197. Stay safe, salamat po. Happy farming, God bless us all.

FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with