^

PSN Opinyon

Flood control: National at LGUs, magkaisa—huwag kanya-kanya!

PULSOhan - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

Bilyon-bilyon ang puwedeng ilaan sa flood control at iba pang infrastructure, pero kung hindi nag-uusap ang national government at local government units, puwedeng mauwi sa sayang ang pera. Hindi sapat na may proyekto. Kailangan tama ang proyekto, tama ang lugar, at tugma sa tunay na pangangailangan ng komunidad.

Pinakamalinaw ito sa flood control. Hindi puwedeng may national project na basta na lang itatayo nang hindi coor­dina­ted sa drainage system, waterways, pumping stations, kalsada at development plan ng LGU. Ang baha ay sistemang pro­blema, kaya sistemang solusyon din ang kailangan.

Hindi marunong kumilala ng political boundary ang tubig. Kapag mali ang koneksiyon o kulang ang koordinasyon, maaaring mawala ang baha sa isang barangay pero mapunta naman sa kabilang siyudad. Ang masakit, bilyon na ang nagastos pero hindi pa rin nasolusyunan ang problema.

Dito mahalaga ang papel ng LGUs. Sila ang mas nakakaalam kung saan mabilis tumaas ang tubig, aling drainage ang laging barado, anong lugar ang mababa, at aling komunidad ang direktang maaapektuhan. Ang national government naman ang may mas malaking pondo, kagamitan at kakayahang gumawa ng malalaking proyekto.

Kapag pinagsama ang dalawang lakas na ito, mas malaki ang tsansang magtagumpay ang proyekto. National govern­ment provides the scale; LGUs provide local knowledge. Hindi dapat pag-agawan kung sino ang mas may kapangyarihan. Ang dapat pag-usapan ay kung paano masosolusyunan ang problema.

Ganito rin dapat sa roads, bridges, housing, hospitals, schools at transportation projects. Walang saysay ang isang magandang national project kung hindi naman konektado sa local roads, utilities, traffic plan at pangmatagalang panga­ngailangan ng lugar.

Kaya bago aprubahan ang final design, dapat nag-uusap na ang national agencies at LGUs. Magplano nang magkasama, mag-monitor habang ginagawa, at linawin kung sino ang mangangalaga at magme-maintain kapag natapos na ang proyekto.

Sa huli, hindi ribbon-cutting ang sukatan ng tagumpay. Ang tunay na sukatan ay kung gumagana, tumatagal at nakatutulong ang proyekto sa tao. Sa flood control at iba pang infrastructure, simple ang leksiyon: kapag kanya-kanya ang gobyerno, mamamayan ang talo. Kapag nagkaisa ang national at LGUs, bayan ang panalo.

FLOOD CONTROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with