^

PSN Opinyon

Cigarette smuggling, wawasakin ni Gen. Nartatez!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Malaking ambag sa ekonomiya ng bansa ang pagkakumpiska ng mga tauhan ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ng bilyones na halaga ng ismagel na sigarilyo. Sa 1st quarter ng 2026, inireport kay Nartatez na aabot sa P2-B halagang smuggled cigarettes ang nawalis sa kalye, at ang resultang ito ay nagpapakita ng pinaigting at sustenadong hakbang ng PNP laban sa smuggling.

“Malaki ang epekto nito sa ekonomiya natin, kaya hindi tayo titigil. These results show that our personnel on the ground are doing their job and doing it well,” ang pahayag ni Nartatez. Binigyan-diin ni Nartatez na hindi titigil ang kapulisan para mapuksa ang nasa likod ng large-scale smuggling networks. Dapat ng kabahan dito sina Boss Cholo at Boss Satur, di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa datos ni Nartatez, nagsagawa ang PNP ng 3,153 operations laban sa cigarette smuggling mula Enero 1 hanggang Marso 29, 2026 na nagbunga sa pagkaaresto ng 1,187 katao. Nakumpiska ang 246 packs at 484,064 reams ng ismagel na sigarilyo, kung saan 9,961 dito ay master cases. Nailit din ang ilang makina na ginagamit sa pagpagawa ng bawal na sigarilyo. Karamihan sa mga malalaking accomplishments ay naitala ni Brig. Gen. Hansel Marantan, dating hepe ng HPG at ngayon ay director na ng PRO4-A. Ang mga kagamitan naman ay nakumpiska sa Pampanga. Mismooooo!

Sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randolf Tuaño na ang may highest value of confiscation sa mga PNP units ay ang Criminal Investigation and Detection Group na nagtala ng mahigit P690 milyon. Sinundan ito ng PRO9 na may P147 milyon, samantalang ang PRO4-A ay may P116 milyon.

Ayon kay Tuaño, itong mga units ang kung saan ang enforcement efforts ng PNP ay ‘most impactful.” “Hindi lang ‘yung nahuhuli sa operasyon kundi pati ‘yung nasa likod nito, hahabulin namin. Mula pinanggagalingan hanggang sa distribusyon, titiyakin naming mapapanagot ang mga sangkot” ayon kay Nartatez. Kung sabagay, may tinatawag na “matrix” na ang PNP sa lahat ng pulitiko, PNP officials, aktibo man o retirado, na sangkot sa cigarette smuggling. Hehehe! Bilang na ang araw nila dahil nagprepara na si Nartatez ng mga ebidensiya para kasuhan sila. Eh di wow!

Itong kampanya ng PNP sa buong Pinas ay alinsunod sa kautusan ni President Bongbong Marcos na paigtingin ang laban vs cigarette smuggling para protektahan ang economic stability ng bansa. Nanawagan din si Nartatez sa publiko na suportahan ang kanilang kampanya para malipol na itong salot sa lipunan. Abangan!

JOSE MELENCIO “TATENG” NARTATEZ JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with