^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Unti-unting ‘paglamon’ ng China sa Pilipinas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Unti-unting �paglamon� ng China sa Pilipinas

Masyado nang agresibo ang China sa pagpapalawak ng kanilang nasasakupan. Gusto ng bansang ito na maangkin lahat ang teritoryo sa West Philippine Sea na dating China Sea. Sa ginagawa ng China na reclamation activities, nagpapatunay lamang na gusto nilang okupahan ang lahat nang nasa WPS sa kabila na ito’y kabilang sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Lantaran na at walang takot ang ginagawang pag-reclaim ng China at ang sinumang kokontra sa kanila ay lalabanan nila. Patunay sa kanilang kahandaan ay ang mga nakaantabay na barko ng Chinese militia. Matagal nang nakaporma at nagbabantay ang mga barko na naghihintay lamang ng utos.

Ang pinakabagong reclamation activities na sinisimulan ng China ay ang Escoda Shoal na malapit lamang sa Palawan. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), tinatambakan na ang Escoda Shoal at ang ginagawang panambak ay mga wasak o dinurog na corals. Ayon sa PCG, naghahanda ang China sa itatayong artipisyal na isla sa ibabaw ng Escoda.

Ayon kay PCG spokesperson for the West ­Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, sa ginawang tatlong linggong deployment ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal, naobserbahan ang low tide elevation (LTE) sa shoal. Sabi rin ni Tarriela, namataan nila ang 30 Chinese militia vessels, bukod pa sa mga research ship ng China.

Nagsisimula na umano ang pagpapatrulya ng PCG sa Escoda Shoal upang mapigilan ang pag-reclaim ng China sa teritoryo. Hindi umano haha­yaan na makagawa ng artipisyal na isla ang China. Kung matatandaan, nakagawa na ng artipisyal na isla ang China sa pinag-aagawang Spratly Islands at may mga hukbo na roon.

Nararapat lamang na magpatrulya ang PCG para namo-monitor ang ginagawa ng China. Baka ma­gising na lamang isang umaga ang mga Pilipino na may mga artipisyal na isla na sa Escoda. Ang pagbabantay ay mahalaga rin para makita ang gingawang pagtampalasan ng China sa corals.

Kung magpipilit ang China na gumawa ng arti­pisyal na isla sa sakop ng Pilipinas, dito dapat nang gumawa ng hakbang ang pamahalaan. Magsasawalang kibo na lang ba gaya nang ginagawang di pagkilos sa marami nang insidente na pambobomba ng tubig?

Ibang usapan na kapag nagtayo ng isla sa sakop ng Pilipinas. Pagsakop na ito at dapat nang lumaban. Hindi dapat manahimik sa “paglamon” ng China.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with