^

PSN Opinyon

Mga kandidato na papalit kay Acorda!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HALOS dalawang linggo na lang sa puwesto si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. at nagsimula na ang guessing game kung sino ang papalit sa kanya. Nakausap ng Dipuga si Acorda sa Baguio City at sinabi n’ya na may tatlong pa­ngalan s’yang balak i-endorso kay President Bongbong Marcos na bagong chief PNP. Kaya lang, bilang intelligence officer, hindi naman binanggit ni Acorda kung sinu-sino ang napupusuan n’yang papalit sa kanya. Mismooooo!

Ang kumakalat na Marites sa Camp Crame ay lamang ang PMAyers sa mga kandidato, at higit sa lahat, tulad ng naunang mga PNP chief sa termino ni BBM, dapat FBI s’ya. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Hindi pa nakausap ni Acorda si BBM patungkol sa retirement n’ya. Kaya’t hindi pa naisumite ang rekomendasyon n’ya. Tsk tsk tsk. Hindi din n’ya nakausap si Interior Sec. Benhur Abalos tungkol sa isyu. Malabo pa pala sa tubig baha, no mga kosa? Ang sinisiguro lang ni Acorda ay maraming capable PNP officers na yakang-yaka ang tra­baho ng PNP chief. Ikinibit-balikat ni Acorda ang mga balitang i-extend pa ang termino niya.

“I leave that (extension) to the decision of the President. Kung anong maging kalabasan all I can do or promise is to do my best kung ano ibibigay sa atin with or without,” ani Acorda. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Pero ang malakas na ugong sa Camp Crame ngayon ang papalit kay Acorda ay sina Maj. Gen. Emmanuel Pe­ralta, ang Chief Directorial Staff ng PNP; si CIDG director Maj. Gen. Romeo “Bong” Caramat Jr., at Brig. Gen. Ronald­ Lee, chief of Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD). Si Peralta ay tubong Nueva Ecija at dating hepe ng PRO1 na saklaw ang Ilocos Norte, si Caramat ay taga-Pangasinan samantalang si Lee ay taga-La Union, subalit ang asawang si Bong ay taga-Batac, ilocos Norte ang hometown ni BBM. Hehehe! Kanya-kan­yang gimik lang ‘yan!

Maliban kay Lee, ang FBI pa sa PNP ay sina Maj. Gen. Mario Reyes, ang director ng Directorate for Logistics, Brig. Gen. Matthew Baccay, ang deputy ng DPRM, at NCRPO chief Brig. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez. Si Reyes ay taga-Ilocos Sur, si Baccay taga-Tuguegarao, samantalang­ si Nartatez ay dating provincial director ng Ilocos Norte, ang tinubuang probinsiya niya. Araguyyyyy! Puro PMA Class ’92 ‘yang mga FBI.

Teka mga kosa! ‘Huwag nating kalimutang isali ang classmate ng mga FBI na si Maj. Gen. Jonnel Estomo, ang pambato ni Interior Secretary Benhur Abalos, na ngayon ay hepe ng Area Police Command (APC) Western Mindanao. At ang darkhorse na si Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco, ang hepe ng Directorate for Operations (DO). Mismooooo!

May classmate din si Acorda na puwedeng maging chief PNP at ‘yan ay si Maj. Gen. Rommel Marbil ng Directorate for Comptrollership. Hehehe! Tama si Acorda! Marami talagang capable PNP officers na papalit sa kanya. Pero kinaugalian na tatlo hanggang limang pangalan lang ang isinusumite sa presidente, di ba mga kosa? Kung kayo ang pipiliin mga kosa, sino ang manok n’yo na papalit kay Acorda?

Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with