^

PSN Opinyon

E-lotto sa Cebu at QC, may bagong incorporators!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Hindi nauubusan ng gimik itong mga e-lotto operators para dugasin ang gobyerno ni President Bongbong Marcos. Matapos kasuhan sila ni Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Mel Robles bunga sa pagnakaw ng kita ng ahensiya ng umaabot sa P4.7 bilyon, huminto­ pansamantala naman sila. Kaya lang, hindi talaga mapa­kali itong authorized agent ng PCSO dahil ibinenta nila sa sampung incorporators ang STL nila.

Ang 10 kompanya, ay may sariling online apps kaya’t tama lang ang ibinulgar ni Robles na marami pa silang e-lotto operators. Tsk tsk tsk! Nganga na naman ang gob­yerno ni BBM dito, di ba mga kosa? Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang 10 incorporators ay may sari-sariling apps at isang pindot lang ng mga kliyente ng STL sa kanilang gadgets ay makataya na sila dito. Siyempre, hindi nagbabayad ng buwis itong mga binentahan ng STL ng mga apps operators. Get’s n’yo mga kosa?

D’yan natatalo ang gobyerno ni BBM. Kaya lang, mahi­hirapan si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na habulin itong e-lotto bunga sa walang batas laban dito. Kung kasuhan naman sa R.A. 1602 ang mga nahuhuli ng kapulisan, ididismis din sa piskalya dahil walang bet money kadalasan dito. Dipugaaaaa!

Tama lang ang panawagan sa Kongreso na i-amend nila ang batas para magkaroon ng armas ang PNP na ha­bulin itong mga online operators. Pero ano ang dahilan at ayaw kumilos ng kuwadra ni House Speaker Martin Romualdez? Magkano….este paano? Hehehe! Kailangan pa bang i-iemorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Ang e-lotto na kinasuhan ni Robles ay naka-base sa Cebu at Quezon City. Panandaliang narindi ang STL ma­nagement subalit mabilis pa sa alas kuwatro na nakabawi.  Para tuluy-tuloy ang tulo ng gripo nila, naisip nilang ibenta sa sampung incorporators ang STL nila, at siyempre online betting din ang operation ng huli. Nakunan na ng STL ma­nagement ng pitsa ang sampung kompanya, at ang iba ay nakabawi na sa inilabas nilang pera. Mismooooo!

Ang kaigihan pa sa sistema ng STL management, humingi sila ng posiyento sa sampung kompanya, kasama na ang para sa intelihensiya. Wow, naman! Hehehe! Mahirap tibagin talaga itong e-lotto, no kosang Brig. Gen. Sidney Hernia, ang director ng Anti-Cyber Crime Group (ACG) ng PNP?

Ang STL na kinasuhan ni Robles mga kosa ay pag-aari ng tongressman…este congressman na taga-Cebu, na dating luminya rin sa e-sabong at isang Hudyo, na dati may hold departure order subalit sa kalaunan ay naayos niya. Ang nagpapatakbo nito ay isang babae na, nai-ban ng PCSO. Nahulaan mo ba kung sino s’ya Mam Prosy?

Nang ipasara ni BBM ang e-sabong, naisipan ng tropa na luminya sa e-lotto para maitago ang illegal nila sa pulis at PCSO. Kaya lang, naaamoy din sila ni Robles kaya kinuha ang serbisyo ng NBI at hinagupit sila. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Dahil sa e-lotto, humina ang kita ng mga kubrador ng PCSO. Magiging busy na naman si Robles at ang NBI para habulin ang e-lotto. Abangan!

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with