^

PSN Opinyon

Col. Ibay, sasabak sa maraming pagsubok sa MPD!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Congratulations kay Col. Arnold Thomas “Tom” Ibay, ang bagong upong director ng Manila Police District (MPD). Pormal na umupo sa trono ng MPD si Ibay kahapon matapos ang turnover ceremony na ang mga guest of honor ay sina NCRPO director Brig. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez at Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan. Buwenas ba si Ibay sa pag-upo niya sa trono ng MPD o malas? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko na buwenas si Ibay kasi nga siya ang kauna-unahang miyembro ng PNPA “Kaagapay” Class of ’96 na naupo sa puwesto at sa MPD pa. Kaya lang, anang mga kosa ko, malas si Ibay dahil katakut-takot na pagsubok ang sasalubong sa kanya sa MPD. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa pag-upo ni Ibay sa MPD, abayyyyy bisperas ito ng campaign period para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Kaya imbes na mag-relax, si Ibay, sasabak kaagad sa trabaho. Hindi lang ‘yan, kailangang i-prepara rin ni Ibay ang kanyang security preparations sa BSKE sa Oktubre 30. At pagkatapos ng election, sasabak kaagad si Ibay sa pag-secure ng North at South cemeteries dahil tiyak dadagsa ang mga Pinoy sa sementeryo para dalawin ang kani-kanilang mga departed loved ones dahil sa All Saints Day sa Nobyembre 1.

Pero sa pagkakilala ng Dipuga kay Ibay, hindi ito tatalikod sa trabaho at imbes haharapin n’ya ang tungkulin para sa seguridad ng BSKE at All Saints Day. Mismooooo! Kaya hindi malas ang pag-upo ni Ibay sa MPD at imbes suwerte ito dahil inumpisahan niya ang pag-angat ng kanyang klase sa PNP. Tumpak! Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Hindi naman bago kay Ibay ang pagsuong sa trabaho dahil dating naka-assign siya bilang Chief Directorial Staff ng MPD noong kapanahunan ni Brig. Gen. Leo Francisco, na sa ngayon ay hepe na ng Directorate for Operations ng PNP. Matapos ang panandaliang stint bilang Regional Deputy Director for Operations sa Mindanao, sinamahang muli ni Ibay si Francisco bilang RDDO din sa PRO6, sa Camp Delgado sa Iloilo. ‘Ika nga, umikot na sa Pinas ang assignment ni Ibay kaya sanay na s’ya sa trabaho. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa pag-upo ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa PNP noong Abril 24, si Ibay ang napili niyang Senior Executive Assistant (SEA), na TO position para maging heneral. Sa MPD na kaya maging heneral si Ibay? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Mahirap din ang trabaho ng SEA mga kosa dahil alter ego ka ng chief PNP. Kaya nararapat lang na bago magretiro sa Disyembre 3 si Acorda ay napremyuhan na n’ya si Ibay. Hehehe! Hindi malas ‘yan kundi suwerte! Mismooooo!

Hindi lang ang BSKE at All Saints Day security ang magiging hamon sa liderato ni Ibay mga kosa kundi maging ang mga tiwaling pulis at kriminalidad. Tumpak! Trabahador at disciplinarian si Ibay kaya’t tiyak maraming pagbabago sa MPD sa hinaharap. Mana kay Sir Paco. Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan! Abangan!

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with