^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin kung masakit ang balikat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang tips para makaramdam ng ginhawa kung sumasakit ang balikat:

1. Ipahinga ang balikat. Ihinto ang dahilan ng pananakit. Limitahan ang pagbubuhat ng mabibigat o mga gawaing na ginagamitan ng paibabaw o paitaas na galaw ng apat hanggang pitong araw.

2. Lagyan ng cold pack ng dalawa hanggang tatlong araw, pagkatapos ay hot pack naman. Gumamit ng cold pack o towel na mayroong nakabalot na yelo na 15 hanggang 20 minutos kada oras para mabawasan ang pamamaga. Gawin ito kada oras. Pagtapos ng dalawa o tatlong araw, kung ang sakit at pamamaga ay bumuti, maaari naman mag-apply ng hot packs o heating pad. Maaaring makatulong magpa-relax sa namamagang muscles. Limitahan ang pag-aaplay ng init sa loob ng 20 minutos lamang.

3. Gumamit ng mga over-the-counter na pain medication tulad ng pamahid sa kirot, at tableta tulad ng ibuprofen at paracetamol. Panandalian lang ang paggamit nito.

4. Mag-strecthing. Pagkatapos ng isa o dalawang araw, gumawa ng mga magagaang exercise para mapanatili ang muscle ng balikat na maging malambot. Kung maaari ay palakasin ang iyong balikat. Kung hindi ito igagalaw maaari itong maging dahilan ng paninigas ng mga joints.

5. Maghinay-hinay. Maghintay hanggang sa mawala ang pananakit bago unti-unting bumalik sa mga gawain na naging dahilan ng pagkapinsala. Minsan, kailangan ng tatlo hanggang anim na linggo para tuluyang gumaling.

6. Suriin ang sports na ginagawa. Kung ang mga gawin gaya ng tennis, baseball, golf o iba pang sports ang dahilan ng pananakit, kinakailangan mong magpalit muna ng sports o magpahinga.

7.Kumunsulta sa doktor kung ang iyong balikat ay hindi pantay, o hindi maiangat ang apektadong kamay. Kung sobrang panlalambot ng iyong balikat. Kung mayroong pamumula, pamamaga o lagnat.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with