^

PSN Opinyon

Ipanalangin ang Israel

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG ang Mecca ay ang pilgrimage destination ng mga Muslim, ang Israel naman ang tinutungo nang maraming Pilipino Christians, Katoliko man o protestante dahil dito isinilang ang Panginoong Hesukristo. Ngunit may may panganib na kaakibat ang pagtungo sa Israel dahil palagi itong tinatarget ng mga missiles ng mga Palestinians.

Kagaya ngayon, muling nasa state of war ang Israel dahil sa isang patraydor na pagpapaulan ng missiles ng mga Hamas terrorist. May mga kababayan tayo na nagta­trabaho sa Israel at ayon sa ulat, may Pilipinong sugatan sa pag-atake at pito pang kababayan natin ang mawawala. Ayon sa Department of Foreign Affairs, may 25 Pilipino sa Gaza Strip na ang karamihan ay kababaihan na dapat likas sa ligtas na lugar.

Nagpahayag din ng pagkabahala si U.S. President Joe Biden dahil marami rin umanong American nationals ang namatay sa pagsalakay na ito. Tila lumulubha sa halip na bumuti ang sitwasyon sa buong daigdig na dapat nating ipanalangin.

Isang himala ang paulit-ulit na pananagumpay ng Israel laban sa mga nagtatangkang agawin ito. Kina­kasihan ito palagi ng Diyos. Ang mga pinapaulang missiles ay palaging lumilihis ngunit sa pinakahuling pag-atake, ito ay tumama na sa loob ng Israel sa Gaza at halos 1,000 na ang namatay na Israeli. Kaya mabilis na nagdeklara ng state of war si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Ang Israel ay napakaliit na bansa na napapaligiran ng mga bansang Muslim. Sa kabila nito ay nakikita natin ang kamay ng Diyos na nangangalaga rito laban sa mga panganib.

Tunay na chosen people ang mga Israeli kaya bilang tayo’y mga Kristiyano, ipanalangin natin ang kaligtasan ng bansang ito.

vuukle comment

ISRAEL

MUSLIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with