^

PSN Opinyon

Information security incident sa PhilHealth

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nataranta ang mga miyembro at health partners ng Phi­lippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) nang hindi nila ma-access ang website at computer systems ng ahensya. Talaga namang nakakakaba ng dibdib lalo pa’t nais mong mag-avail ng benepisyo at hindi mo alam ang nangyayari. Tiniyak ng ahensya na wala nang dapat ipag-alala ang mga members matapos ang isang information security incident sa computer system nito. “The situation is under control,” anang ahensiya.

Iyan ang isang downside ng cyber technology. Kung minsan, nagkakaroon ng ganitong insidente ngunit basta’t maagap ang mga IT experts ng isang ahensiya ay napi­pigilan naman. Iyan mismo ang ginawa ng PhilHealth.

In general, masasabi nating mas marami ang bentahe ng cyber technology kaysa kung wala ito. Kahit naman bago dumating ang technology na ito ay marami nang masasamang tao. Ngayong high tech na ang sistema gamit ang mga makabagong teknolohiya, pati pandarambong ay high tech na rin. Dapat papanagutin ang mga “henyo” na gumawa ng pagtatangkang ito. Buti na lang at maagap silang nadiskubre at napigilan.

Tumutulong sa imbestigasyon upang malaman ang mga dapat managot sa pag-atakeng ito ang Department of Information Technology, National Privacy Commission, National Bureau of Investigation at Philippine National Po­lice. Kaya sa mga miyembro na gustong makinabang sa mga benepisyo ng PhilHealth alinsunod sa Universal Health Care Law, walang dapat ipangamba. Business as usual wika nga.

Hindi pa man ganap na normal ang system, kumilos naman agad ang ahensya para maibalik sa normal ang operasyon nito sa lalong madaling panahon. Ang mga health providers na katuwang ng PhilHealth ay gumawa rin ng mga pansamantalang paraan para makagamit ng benepisyo ang mga miyembro. Nililinis na ng mga IT experts ng ahensiya ang mga assets nito na naapektuhan ng insidente upang mapabuti at maprotektahan ang mga sistema ng PhilHealth.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with