^

PSN Opinyon

Pinas sasali pa rin sa joint naval exercise

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAMAKALAWA, banner headline nang maraming pahayagang kasama ang Pilipino Star NGAYON, ang pagkansela ng Pilipinas sa napipintong joint naval exercise ng U.S.A., Australia at Japan sa South China Sea. Ang dahilan, malalaki umano ang mga barkong pandigma ng tatlong bansa kumpara sa ating militar. Wala tayong aircraft carrier na puwedeng pag-landingan ng mga malalaking barkong pandigma.

Ibinase ng mga pahayagan ang balita sa ulat ng Kyodo News Agency ng Japan. Hindi maganda ang buwelta nito sa imahe ng Pilipinas. Lumalabas na nabahag ang buntot ng Pilipinas dahil magagalit dito ang China. Parang napakababaw na dahilan ang ­ibinigay ng Pilipinas sa hindi paglahok. Mukhang mali ang interpretasyon ng Kyodo News sa balitang nabanggit.

Tiniyak ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na handa pa ring makilahok sa naturang naval drill ang Pilipinas at  hindi wasto ang pagkakaunawa ng mga sumulat sa nabanggit na balita. Nilinaw ni Brawner na hindi umaatras ang Pilipinas sa planong naval drill kundi hindi tayo nag-commit ng barko dahil wala naman tayong mga barko de giyera na kasinlaki ng sa kanila.

Ang mga barkong gamit natin ay hindi puwedeng daungan ng mga fighter jets sa sobrang liit kaya hindi tayo nangakong magdedeploy ng barko. Pero binigyang diin ni Brawner na hindi tayo nagkansela ng partisipasyon. Pawang kasangga ng Pilipinas ang mga naturang bansang kasama sa naval drill. Kabilang sila sa kumatig sa arbitration ruling ng arbitral tribunal na nagpatibay na saklaw ng Pilipinas ang teritoryo sa West Philippine Sea  na inaangkin ngayon ng China.

Ang naturang ruling at hindi kinilala ng China kaya tuloy pa rin ang military expansionism nito. Kahit si dating Presidente Duterte ay nagsabing ang ruling ay isa lang kapirasong papel na puwedeng hindi kilanlin maliban na lamang kung mag-aatas ang mga bansang kasapi ng UN sa China na sundin ito.

At iyan naman ang hinihintay natin: ang maipatupad ang ruling na ito para matapos na ang matagal na panahong panduduro at pambubuli ng China sa mga Pilipino. Maaaring may iniingatang diplomatic relations ang Pilipinas sa China ngunit sa panahong ito, kailangang maging prayoridad  ang territorial integrity at sovereignty ng ating bansa na nanga­nganib lupigin ng isang bansang hayok sa kapangyarihan.

vuukle comment

SOUTH CHINA SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with