^

PSN Opinyon

PCG at MARINA, parehong palpakis!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

DAPAT may managot sa nangyaring trahedya sa Rizal noong nakaraang linggo.

Ang Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry­ Authority (MARINA), parehong nagpabaya! Parehong hindi ginawa ang kanilang trabaho.

Beinte siyete katao ang namatay sa trahedya pero ang ginawa lang ng PCG, ni-relieve ang dalawa nilang personnel na nagpabaya.

Akala siguro ni Rear Admiral Armando Balilo ng Coast Guard, kapag sinibak na ang dalawa, titigil na ang imbesti­gasyon.

Pero sina Sen. Raffy Tulfo, Sen. Grace Poe, Sen. Koko Pimentel at Sen. Jinggoy Estrada pursigidong imbestigahan ang nangyari.

Gusto nilang malaman at matukoy kung saan nagkamali, sino ang may pagkukulang at sino ang dapat panagutin sa malaking kapabayaang ito.

Simple lang naman. Kapag ang mga tao sa ibaba nag­kulang, ibig sabihin, mahina ang lider.

Kapag palpak ang lider, palpak ang tao. Kapag mahina ang lider, mahina rin ang tao. Maraming ganyan sa ating gobyerno.

Kaya nagiging systemic ang problema.

Lagi kong sinasabi, ang kalidad ng isang organisasyon ay base sa kalidad ng kanilang komunikasyon. Ang kalidad ng komunikasyon ay kalidad ng isang organisasyon.

Kaya napakahalaga ng komunikasyon. Mula sa itaas, sa gitna hanggang sa baba at mula sa ibaba papunta sa gitna, pataas. Kaya hindi biro ang pagiging lider.

Kung naging maganda lang sana ang komunikasyon ng mga namumuno sa PCG at MARINA, hindi sana nalubog ang bangka.

Bibigyan ko ng diin ang mandato ng dalawang palpakis­ na ahensyang ito na parehong nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).

Ang Philippine Coast Guard ang tanod-baybayin ng Pinas. Sila ang nakaaalam kung overloaded ang isang sasakyang pandagat o hindi.

Lahat ng barko o bangka may clearance mula sa kanila bago maglayag sa dagat man o sa lawa.

Ang MARINA naman ang nagbibigay ng lisensiya o permit. Sila ang tumitingin sa kalidad ng mga ferry, barko o bangka kung karapat-dapat bang maglayag.

Kaya sa halip bigyang-linaw ang nangyari noong nagpa-presscon ang PCG, si Balilo, nanisi pa!

Sabi niya, responsibilidad daw ng mga pasahero at mga operator ng bangka na  huwag magpabaya. Ang sinisisi niya mga pasahero na huwag daw sumakay.

Sa dinami-rami raw kasi ng mga ferry boat, hindi na raw nila kayang i-monitor lahat. Susmaryosep!

Dapat sa MARINA at PCG parehong pinag-uuntog ang ulo!

Sangkaterbang mga tamad, parehong mga palpakis!

vuukle comment

MARINA

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with