^

PSN Opinyon

Ang sulat para kay ex-PNP chief Azurin!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

BIBIGYANG daan ko ang sulat na naka-address kay ex-PNP chief Junaz Azurin na nag-iikot sa social media. Walang pirma ang sulat subalit tiyak ko na galing ito sa kampo ng 18 police officials na ang courtesy resignations ay tinanggap ni President Bongbong Marcos. Kung may pirma ito, tiyak tatamaan sila ng kidlat dahil may sapat na grievance mechanism ang PNP kung saan puwedeng isiwalat ng mga pulis ang kanilang mga hinaing. In the spirit of fair play, ipi-print ko ang sulat as is, at bahala na kayo mga kosa na humusga kung may basehan ito o wala. Ambot sa kanding nga may bangs!

• • • • • •

Good PM Mr. Jun Azurin,

Tinanggap na ni PBBM ang resignation ng 18 opisyal na pinangalanan mong may kinalaman at tumatanggap ng “protection money” sa droga. Masaya ka na… Masaya ka na kasi mayron ka ng maituturong fall guy and eventual “justification” sa malaking KAPALPAKAN ng pamumuno mo sa PNP sa pagsugpo sa droga.

Admit it or not, but you are the BIGGEST MISTAKE of PBBM administration. Appointing a Chief, PNP like you who spent more years in pocketing large amount of money in comptroller and finance makes you INCOMPETENT to handle and manage BIG and sensitive police operations such as the supposedly biggest drug bust in Philippine history - the infamous 990 kilos of shabu.

A very commendable accomplishment that later on turned to be the biggest scandal in the PNP. What are your actions taken as the Chief, PNP then? You put all the blame on the entire PNP claiming that your people are already either protector or player of illegal drugs.

Hence, you required all third level police officers to tender their irrevocable resignation pending investigation and validation. You were able to escape accountability at the expense of your third level police officers. You arbitrarily misled PBBM by maliciously telling him lies for your own good and benefits.

Sana masaya ka na. Kasi may 18 na opisyal ng kapulisan ang nasira at nawalan ng career para maisalba ang pangalan mo sa kapalpakan na ikaw mismo ang gumawa.

• • • • • •

Nirespeto naman ni incumbent PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang desisyon ni BBM. Kaya lang nais ni PNP chief na lilinawin muna ang wording ng kautusan ng kanilang commander-in-chief. “I’m requesting ‘yung official copy para alam namin ‘yung tono how it was worded,” ani Acorda. Kasama ang vice chair ng Napolcom, kakausapin ni Acorda si Executive Sec. Lucas Bersamin, na dating chief justice, para klaruhin ang kaso ng 18 police officials. Eh di wow! Hehehe! Ang lufet mo Gen. Azurin Sir!

Sinabi naman ng mga kosa ko sa Camp Crame na wala naman silang pinirmahan na courtesy resignation, tulad ng gusto ni Azurin. Nilinaw ng mga 3rd level PNP officers na ang pinirmahan nila ay letter of cooperation sa imbestigasyon sa kaso ng droga. At kapag may hard evidence laban sa kanila at mapatunayan ito sa korte, matic na magre-resign sila. Mismooooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang 18 PNP officials ay pansamantalang nasa-custody ng PHAU habang kinaklaro ni Acorda ang kaso bago magbigay ng issuances o pinal desisyon. Naniniwala si Acorda na mas marami pang opisyal ng PNP na handang sumabak sa trabaho laban sa droga para iangat ang imahe ng PNP habang patuloy lang ang paglilinis sa hanay nila.

Abangan!

vuukle comment

PNP

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with