^

PSN Opinyon

Mga puting unggoy, TL mag-imbestiga sa Pinas 

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Antigas talaga ng ulo nitong TL as in tulo-laway at gigil na gigil sa Pinas na International Criminal Court (ICC). Kung tawagin nga ni Senator Jinggoy, mga puting unggoy!

Matagal na nilang pinagduduldulan ang walang katapusang human rights issue at extrajudicial killings sa drug war ni dating President Rodrigo Duterte.

Talagang determinado, desidido at pursigido ang ICC. Ginagawa nila ang lahat ng mga kaparaanan para lang mahatulan ng kasong kriminal si PRRD. Ang kanilang ina­asam-asam, masentensiyahan ng bitay sa kanilang hukuman ang dating presidente.

Sinabi na ni President Bongbong Marcos sa ICC noong Marso, huwag na nilang pakialaman ang Pilipinas dahil gumagana ang sistema ng ating hudikatura at sistema ng katarungan. Pero ang ICC, ibinasura ang apelang ito ng Pilipinas. Gusto nila, magsagawa ng imbestigasyon at sila ang mag-iimbestiga.

Simple lang ang gustong sabihin ng ICC sa Pinas. Walang kuwenta ang judicial system natin. Kumbaga, mas magagaling sila at ang tamang panukat ng hustisya tanging ICC lang.

Maliban diyan, ang gusto nilang sabihin at pinagdudul­dulan noon pa man, hindi gumagana ang hustisya ng kata­rungan natin.

Kung aanalisahin ang tema ng kanilang kasagutan sa pagbasura nila sa apela ng Pinas, disente, sibilisado at bastos sa boto nilang 3-2. Entonses, hindi sila naniniwala sa integridad ng ating justice system.

Eh, di sige, ICC mag-imbestiga kayo! Mismong Department of Justice na ang nagsabi hindi kayo welcome sa Pinas!

Ibig sabihin, paano kayo makakapagsagawa ng inyong imbestigasyon? Paano kayo makakapasok sa bansa? Marami at mahabang proseso, hindi ganun kadali.

Sigurado alam n’yo ito. Ang imbestigasyon ay base sa mga ebidensya na nakalap mula sa mga witness, mga salaysay, dokumento at pinangyarihan ng krimen—kung talaga ngang may naganap na krimen.

Sabi nga dati ni PRRD, puwedeng pumunta sa Pinas ang ICC pero observer lang at hindi investigators. Ang mag-iimbestiga ang Pinas pa rin. Ang gusto kasi ng ICC, sila ang mag-iimbestiga at gagawin lang nilang assistant ang Pilipinas.

Gabi pa rin ngayon para sa ICC. Hindi pa pumuputok ang araw dahil malayo pa ang umaga. Habang sa Pilipinas, matingkad na ang sikat ng araw at nakangiti ang mga Pinoy.

Naku, kayong mga puting unggoy, kapag nakita kayo ng mga Pilipino, bistado agad kayo sa mga tabas, hugis at kanto ng mga mukha n’yo!

Imbestigasyon ba kamo? Goodluck!

vuukle comment

ICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with