^

PSN Opinyon

Nang-insulto, nangutya ng sagradong imahe!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI saklaw ng malayang pamamahayag sa pamama­gitan ng pang-iinsulto’t pangungutya ang pagganap o impersonation tulad ng ginawa ng isang bastos na miyembro ng LGBTQIA+ Community.

Sa dinami-rami ng puwedeng gayahin o i-impersonate, ang sagradong imahe pa ni Hesukristo ng Simbahang Katoliko ang pinili nitong utot na nagngangalang Pura Luka Vega.

Akala niya yata lahat ng bagay lalo na ang mga sagra­dong imahe at rebulto puwedeng gawing katatawanan. Walang karapatan ang sinuman, LGBTQIA+ man, straight sexual orientation o unknown na gawing katatawanan ang pananampalatayang pinaniniwalaan ng anumang sekta, deno­minasyon at relihiyon.

Ang problema rito sa luka-lukang Luka na ito, sinadya niyang targetin na insultuhin ang Simbahang Katoliko. Ito ay isang uring diskriminasyon. Bakit sinadya? Natural­mente, pinag-isipan at pinaghandaan niya ang performance mula sa kanyang magiging hitsura hanggang sa kasuotan.

Uulitin ko, walang karapatan ang sinuman na mag-dis­cri­minate sa anumang relihiyon, pagkatao, lahi, edad ganundin ang diskriminasyon sa LGBTQIA+ Community.

Baka akala ng queer na ito, nakaaaliw siya! Hoy, Luka! Puwede mong gawin lahat ng gusto mo pero huwag kang mangungutya at mang-iinsulto! Kaya tuloy kahit na mismong mga kasamahan mong LGBTQIA+ nahihiya at nag­salita laban sa ginawa mo.

Dapat sa’yo tinutuktok ng bakya sa ulo para ikaw ang pag­tawanan. Katatawanan pala ang gusto mo, puwes huwag kang gumawa ng katatawanan sa pamamagitan ng ibang tao o ibang sekta. Kung naniniwala ka sa Diyos, huwag mong pinagloloko ang iba sa kanilang pananampalataya.

Kung wala ka namang Diyos dahil isa kang ateyista na para kang kabayo sa lupang ito na kapag natigok ka na, patay ka na, lupa ka na lang, huwag mong pagtawanan ang mga sumasampalataya at naniniwala na may buhay na walang hanggan at may Diyos.

Subukan mong gawin yan sa mga Muslim-country tulad ng Iran, Pakistan, Afghanistan, Brunei, Mauritania at Saudi Arabia, sigurong death penalty ang bagsak mo. Kung sa Italy naman, kulong ka ng dalawang taon. Kaya sa mga magigiting nating kongresman at senador, umpisahan n’yo nang gumawa ng batas tungkol dito.

Bibigyan ko ng diin, malaki ang respeto ko sa LGBTQIA+ Community.  Kaya, awatin n’yo ang kasamahan sa komunidad at baka may sumunod pa sa luka-lukang ‘to!

Oh, Luka, baka naman sabihin mo biktima ka rito. Huwag kang mag-play victim sa kagunggungan mo. Matuto kang rumespeto sa iba. Ang respeto ay nakakamtan, hindi ipinagkakaloob!

vuukle comment

LGBTQIA+

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with