^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bangis ng El Niño

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bangis ng El Niño

NAKARANAS nang matinding init ng panahon ang mga bansa sa Europe sa nakaraang dalawang araw. Matinding init ang nadama sa France na ayon sa mga residente ay mas matindi pa sa naranasang heatwave noong 2013 o sampung taon na ang nakararaan. Kakaiba rin ang naranasang init sa Middle East na mas matindi sa mga nakaraang panahon. Maging sa Vietnam at Thailand ay nara­ranasan na rin ang init ng panahon. Ang narara­nasang init ay iniuugnay sa El Niño phenomenon.

Dito sa Pilipinas, unti-unti nang nararamdaman­ ang El Niño. Noong Martes, nagbigay na ng babala ang PAGASA na titindi ang init ng panahon sa mga darating na buwan. Mararanasan umano ang tindi ng El Niño sa huling tatlong buwan ng 2023 at sa mga unang buwan ng 2024. Sa pananalasa ng El Niño, kaunting pag-ulan lamang ang mararanasan subalit ibang bahagi ng mundo ay pawang tag-ulan at pagbaha ang mararanasan.

Naghahanda na ang pamahalaan sa patama ng El Niño. Gumagawa na ng mga paraan kung paano makakapagtipid sa tubig lalo at nababa­wasan na ang lebel ng Angat Dam. Noong Miyer­kules, nasa 181.22 meters ang level ng tubig sa dam. Ang Angat Dam ang nagsusuplay ng tubig sa ma­laking bahagi ng Metro Manila. Noong 2019, umabot sa 160 meters ang lebel ng tubig at kung hindi mag­kakaroon ng pag-ulan sa watershed, maaring uma­bot sa ganitong critical level ang tubig sa dam.

Noong Abril, nagpalabas ng ordinansa ang mga lungsod sa Metro Manila na ipagbabawal ang car­wash business dahil maaksaya ito sa tubig. Subalit tila ningas kugon ang ordinansa sapagkat patuloy ang mga carwash sa kanilang operasyon. Patuloy din ang pagdaloy ng tubig sa mga golf course at ganundin sa mga swimming pool na parang walang krisis na kahaharapin.

Habang nag-iisip ang pamahalaan kung paano iipunin ang tubig ulan para magamit sa panahon ng tagtuyot, marami namang tubo ang may leak sa kalye at hindi naaasikasong i-repair ng dalawang water concessionaires.

Hindi biro ang El Niño at dapat magseryoso sa paghanap ng paraan kung paano magtipid sa tubig. Apektado ang lahat sa problemang papalapit kaya dapat makipagtulungan ang bawat isa. Maging maingat sa paggamit ng tubig.

EL NIñO.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with