^

PSN Opinyon

Kris Aquino pinatay sa social media

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA pagkaalam ko, may mga panuntunang dapat sundin ang mga netizens sa paggamit ng social media. Ito ‘yung tinatawag na community standard na kapag nilabag ay magiging dahilan ng suspension ng account ng social media user. Dalawang beses nang dumanas ng suspension ang aking Facebook account dahil sa isang komento ko na hindi naibigan ng hindi ko alam kung sino.

Hindi ko batid kung may ganito ring panuntunang ipinatutupad ang You Tube. Kung mayroon, nagtataka ako kung bakit may mga videong may dalang mga pekeng ba­lita ang nailalabas dito. Halimbawa ay ang napanood kong in-upload na video sa You Tube hinggil sa “pagpanaw ni Kris Aquino” na mahigit isang taon nang nagpapagamot sa U.S. dahil sa hindi matukoy na karamdaman.

Kumpletos rekados. Naroroon ang mga anak ni Kris na sina Bimbi at Joshua na lumuluha sa tabi ng kamang kinahihigaan ng kanilang ina. Kung madali kang mapaniwala ay makukumbinsi ka na totoo ang balita. Ngunit kung totoo na namatay na si Kris, dapat ay nauna nang ibinalita ito sa mainstream television, radio at mga pahayagan.

Bakit nakalulusot ang ganitong mga video sa social media nang hindi  pinapatawan ng sanction o censorship? Hindi ba saklaw rin ito ng anti-cyber crime law at puwedeng parusahan nang naaayon sa batas ang may kagagawan? Ngunit kung wala namang nagrereklamo, maaaring makalusot ito para manatiling napapanood sa You Tube. Ang dapat magreklamo ay si Kris o ang kanyang kaanak.

Hot stuff ang pagkakasakit ni Kris. Nalantad sa buong daigdig ang larawan niya na halos buto’t balat na lang siya.  Pagkatapos ay sumulpot ang balitang umiigi na siya at ipinakita ang retrato niya na nagkaroon na ng laman ang kanyang katawan.  Ngayon, ang latest news ay bedridden naman umano siya at hindi makapaglakad. Nakakaawa siya. May malubhang karadaman na nga ay pinagdidiskitahan pa ng mga naghahasik ng kasinungalingan sa social media. Let’s pray for Kris’ wellness,

Pero sino ang may kagagawan nito at ano ang motibo para ipagkalat na pumanaw na ang anak ng dating presidente? Ito ba ay para umani nang maraming views para pasukan ng advertisers sa You Tube? Anuman ang motibo, wala sa hulog iyan. Dapat ay papanagutin ang mga nagkakalat ng pekeng balita sa social media sa ilalim ng batas.

 

vuukle comment

KRIS AQUINO

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with