^

PSN Opinyon

Pangigitim ng balat sa paa, may diabetes ba?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Marahil para sa mga kayumanggi ang kulay, iisipin na normal ang pangingitim ng balat.

Ngunit makikita rin sa balat kung mas lalo itong umitim ay baka senyales na ng diabetes.

Kaya suriin ang inyong mga paa. Kung hindi ka sigurado kung mayroon kang diabetes, ipa-check ang fasting blood sugar.

Kung ito ay mas mataas kaysa sa 100 mg/dl at di pa lumalampas ng 126 mg/dl, mayroon kang mild diabetes.

Ngunit kung ito ay lumampas ng 126 mg/dl, ikaw ay mayroon nang diabetes.

Ang isang karaniwang kumplikasyon ng diabetes ay pinsala sa mga ugat at daluyan ng dugo sa buong katawan.

Kaya naman, ang mahinang supply ng dugo sa mga binti ay nagdudulot ng pangingitim (isang black pigmentation) ng mga paa at binti. Sa medical term ay tinatawag itong peripheral vascular disease.

Kung mapatunayan na ang balat ay nangingitim, kailangan mong magpatingin sa  doktor.

May mga gamot para makontrol ang diabetes.

vuukle comment

DIABETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with