^

PSN Opinyon

Monggo: Para sa puso, utak at may diabetes

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MASARAP ang monggo at maraming benepisyo sa ating puso, utak, tiyan at katawan. Hindi rin totoo ang kasabihan na bawal ito sa may arthritis. Puwede itong kainin dahil napakasustansiya nito.

1. Masustansya ang monggo sa lumalaking bata at sa matatanda rin dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral.

2. Bagay sa may diabetes at maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa monggo ay laban sa bad cholesterol.

3. Ang high fiber nito ay may cholecystokinin, para ma­­­bilis mabusog, mas konti ang makakain, kaya mas maka­­kapagbawas ng timbang.

4. Bagay din sa nagtitibi at may IBS o Irritable Bowel Syndrome na maganda sa tiyan at pagtunaw.

5. Puwedeng kainin ng maysakit sa atay dahil pinagkukunan ng protina, albumin at globulin, isoleucin, leucine, valine.

6. Puwede rin sa may sakit sa kidney dahil ang protina nito ay galing sa gulay at hindi sa karne.

7. Meron itong folate o folic acid. Ito ang nararapat kainin ng mga buntis para sa nervous system ng kanilang sanggol.

8. Maraming taglay na iron na nagdadala ng oxygen sa buong katawan at sa utak para focus at maganda ang memorya kaya bagay sa matanda, bata na nag-aral at sa mga anemic.

9. Mahusay na pampalakas ng immunity kaya naka­kaligtas at matibay sa pagkakasakit ang katawan.

vuukle comment

DIABETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with